PORMAL nang nag-file ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nitong Lunes, Oktubre 7, para sa May 2025 midterm elections ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist.
Ito ay upang ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya na iangat ang pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino, mga solo parent at mga marginalized sector.
Mangungunang muli para sa Bagong Henerasyon Partylist, na isinusulong ang “Iangat Lahat ng Pamilya, Solo Parents, Atbp!,” advocacy, si chairperson, Rep. Bernadette Herrera.
Si Herrera, isang malakas na tagapagsulong ng kapakanan ng mga marginalized sector, ay nangangakong ipagpapatuloy ang misyon ng partylist para iangat ang pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino, mga maysakit at mga tinaguriang nasa laylayan ng lipunan o ang mga mahihirap.
“Our fight is far from over. We will continue to push for meaningful reforms that ensure no Filipino is left behind because when we lift up families, we lift up the nation,” paliwanag ni Herrera.
Sa mga nakalipas na taon, ang BH partylist ay nakagawa na ng mga makabuluhang reporma at batas na nakakapagpabuti sa kalagayan ng mga Pinoy sa pamamagitan ng H.E.L.P.S. platform o Health, Education, Livelihood, Peace & Order, and Solo Parent Support.
“We are not just making promises, we are delivering results,” dugtong ni Herrera. “From supporting solo parents to improving healthcare and education, BH Party-list is committed to real change. Our work continues to support every Filipino family.”
Pinalakas din ng mga reporma at panukalang batas ng BH partylist ang industriya ng pangisdaan sa bansa.
“We do not just give fish, and it isn’t enough to simply teach how to fish. We empower communities by providing them with sustainable tools and knowledge to thrive,” ani Herrera.
Sa ilalim ng H.E.L.P.S. platform, nakapagpasa ang BH partylist ng Universal Health Care Law (RA 11223) at Malasakit Centers Act (RA 11463) para sa healthcare access ng mga Pinoy.
Ipinagdiinan din ni Herrera ang pagsusulong nila sa Guarantee Letters (GLs), para sa mga mahihirap na pasyente na maka-avail ng treatment sa mga pribadong ospital at makabili ng mga gamot sa Mercury Drug at The Generics Pharmacy.
Kabilang dito ang suporta para sa mga mayroong chronic kidney disease, hemophilia at mga batang may learning disabilities.
Sa larangan ng edukasyon, ang BH partylist ay ipinasa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931) para sa free access sa mga public colleges at universities. Nakikipagtulungan din ang BH sa CHED at TESDA para sa mga scholarship ng mga underprivileged students.
Suportado naman ng BH ang pagpapalakas ng ekonomiya sa kanilang Tulong Trabaho Act (RA 11230) at Trabaho Para sa Bayan Act (RA 11962), na nakapag-generate ng trabaho at nagbigay ng skills training, at isinulong pa ang “Bike Hanapbuhay and Sa Bahay Ang Hanapbuhay” initiative.
Pokus din ang BH sa seguridad sa pagpasa ng Expanded Anti-Violence Against Women and Children Act (E-VAWC) at Anti-Hazing Act (RA 11053).
Para sa solo parents, isinulong ni Herrera ang pagpasa sa Expanded Solo Parents Welfare Act.
“In every barangay, in every household, Bagong Henerasyon will continue to act. We will bring solutions to the ground, where they are needed most. Our message is clear—Bagong Henerasyon, Aksyon! We will uplift every Filipino family, solo parent, and community in need,” dagdag nito.