(Para sa power generation na gagamitin sa May 13 elections) MAGAT DAM MAGDARAGDAG NG SUPPLY NG TUBIG

Magat Dam

ISABELA – NANGA­KO ang pamunuan ng Magat Dam sa Ramon na daragdagan nila ang alokasyon ng tubig upang lumikha ng mataas na daloy ng kor­yente simula sa Mayo 6, upang makasiguro ang sapat ng suplay ng koryente sa Midterm elections sa Mayo 13, 2019, para mawala umano ang mga ­agam-agam, hinala ng mga kandidato at mga botante na may mang­yayaring anomalya sa araw ng eleksiyon.

Ayon kay Engr. Eduar­do Ramos, manager ng Magat dam na magdaragdag ng 10 cubic meters mula sa kasalukuyang 30 cubic meters ang ibibigay ng Magat na volume ng tubig sa SN boitiz para sa power generation, na magtatagal hanggang sa Mayo 21, upang makatiyak ang mayos na electricity supply sa mismong araw ng halalan, lalo’t kakailanganin ang maayos na daloy ng kor­yente sa automated vo­ting system.

Samantala, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig ngayon sa Magat dam na nasa 173.1 meters bago ang below normal curve level na 160m, dahil sa tatlong gabi na pag-ulan sa water shed ng Magat Dam kaya bahagyang tumaas ang tubig.

Kasabay nito, pina­yuhan ni Ramos ang mga magsasaka na umpisahan na ang paglilinis sa mga sakahan bago ang pagbibigay ng tubig sa irigasyon sa Hunyo 3 upang paghandaan ang susunod na planting season.

Magugunitang iti­nigil ng Magat River Irrigation System ang suplay ng tubig sa mga irigasyon sa mahigit 80,000 hectares na sakahan sa Isabela dahil sa tagtuyot.

Una na ring nagpaabiso ang National Irrigation Authority  sa mga magsasaka tungkol sa cut-off ng supply ng tubig at pinayuhan ang mga ito na baguhin ang cropping season at magtanim ng maaga. IRENE GONZALES

Comments are closed.