(Para sa senior citizens) PANTRY ORGANIZERS MAGBABAHAY-BAHAY

HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga orga­nizer ng mga community pantry na humanap ng mga pamamaraan upang maabot ang mga senior citizen sa mga tahanan nito nang hindi na kailanganin pang lumabas ng bahay at pumila para makatanggap ng tulong.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, maaari itong isagawa sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Ipinaliwanag pa ni Malaya na ang NCR Plus areas ay nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa Abril 30 at hindi pa pinapayagan ang mga senior citizen na lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa panganib na mahawahan ng COVID-19.

“Nakikiusap kami sa mga community pantry organizers na maghanap po tayo ng paraan para hindi na po natin kaila­ngan papilahin yung matatanda, maghanap po tayo ng paraan gaya ng ipadaan na lang sa barangay para yung barangay na lang ang magbaha­y-bahay at ibigay na lang yung tulong through a safer and more effective way,” ani Malaya.

Matatandaang isang senior citizen ang mada­ling araw pa lang ay pumila na sa community pantry sa Quezon City na inorga­nisa ng aktres na si Angel Locsin ngunit bago pa man makakuha ng libreng pagkain ay nawalan ng malay at kinalaunan ay tuluyang binawian ng buhay.

Humingi naman ng paumanhin si Locsin dahil sa insidente at sinabing isasara na niya ang community pantry at ido-donate na lang ang natitira pang goods. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “(Para sa senior citizens) PANTRY ORGANIZERS MAGBABAHAY-BAHAY”

  1. 937908 970931Hi my loved one! I wish to say that this post is remarkable, fantastic written and come with almost all crucial infos. I would like to see much more posts like this . 585031

  2. 900865 709312Particular paid google internet pages offer complete databases relating whilst individual essentials of persons while range beginning telephone number, civil drive public records, as effectively as criminal arrest back-ground documents. 346963

  3. 767087 423233An intriguing discussion is worth comment. Im positive that you basically write regarding this subject, could possibly not be considered a taboo topic but typically persons are too small to communicate on such topics. To yet another. Cheers 990447

Comments are closed.