(Para sa SONA) INTER-AGENCY COORDINATING CONFERENCE IKINASA NG QCPD

NAGSAGAWA ang Quezon City Police District ng pagsasapinal sa paglalatag ng seguridad nitong Miyerkules para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.
Kaugnay nito, isang Inter-Agency Coordinating Conference ang ikinasa ng QCPD na tututok sa komprehensibong deployment plans para sa SONA.

Pinangunahan ni QCPD Chief BGen. Red Maranan, mga opisyal ng Bureau of Fire Protection, Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), QCDRRMO, MMDA, Task Force Disiplina at mga Station Commander.

Ayon sa QCPD, tinalakay sa pulong ang ilang mga kritikal na aspeto kabilang ang threat assessment, mga protocol sa seguridad at kaligtasan, mga estratehiya sa deployment, at pati na traffic management.

Ang mga hakbang na ito ay mahalaga upang matiyak ang ligtas at mapayapang SONA na inaasahang maghahatak ng pansin mula sa pambansa at internasyonal na antas.

Una nang sinabi ng QCPD na higit sa 6,000 tauhan ang kanilang ipakakalat sa paligid ng Kamara upang magbigay ng seguridad sa darating na SONA.

Tututukan din maging ang mga lugar na kadalasang pinagtitipunan ng mga nagkikilos protesta kabilang ang Mabuhay Rotonda, QC Memorial Circle, kahabaan ng Commonwealth Ave.. at paligid ng Batasan complex.
P ANTOLIN