MAINIT na tinanggap ng SM Foundation, sa pamamagitan ng SM Scholarship Program, ang nasa mahigit 300 na bagong SM Scholars mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa school year 2022-2023. Sa mahigit 300, 40% nito ay nagmula sa National Capital Region (NCR) at ang 60% naman ay nanggaling sa mga probinsya.
Sa ginanap na virtual gathering via Facebook and YouTube Live, opisyal na tinanggap at in-orient ang mga bagong scholar hinggil sa mga benepisyo ng programa at kung paano nila mapananatili ang ipinagkaloob na scholarship. Ibinahagi din ng SM Foundation ang ilang istorya ng tagumpay ng ilang iskolar upang bigyan ng inspirasyon hindi lang ang kanilang mga iskolar kundi pati ang kanilang mga pamilya.
Nagbahagi din ng mensahe ang ilang opisyal ng SM Foundation, SM Scholar alumnus, at ang mga bagong SM Scholar.
Masayang binati ni Ms. Debbie Pe – Sy ang mga bagong scholars na aniya, isang makabuluhang programa ang SM Scholarship Program para sa SMFI dahil sa mahigit na 300 na estudyante ang mabibigyan ng pagkakataon na maiahon ang estado ng kanilang mga pamilya – na magiging daan din para makatulong din sa kanilang mga komunidad. Kanya ding nabanggit ang mandato ng SMFI, ang pagpapalaganap ng kabutihan sa kapwa.
“To our new scholars, congratulations! We hope that you will take to heart the theme of our event which is Rise to greatness. For the information of everyone, It is inspired by our late founder, Tatang, who pressed forward despite of challenges – which enabled him to achieve the true essence of greatness, which moves beyond establishing the SM group. For him, true greatness does not only come from successful careers, but rather, it is found in selfless service to others,” ayon kay Ms. Pe – Sy.
Pinaalalahanan din ni Ms. Pe – Sy na ang mga scholar na huwag makakalimot sa kanilang mga magulang, mga guro at mga eskwelahan nito na siyang humuhubog sa kanilang mga talento at magamit umano itong bigay ng Diyos na pagkakataon, tuloy sa pagpupursige at integridad para maisakatuparan ang pangarap na academic excellence at self-actualization. Palaganapin ang pagtulong sa kapwa sa anumang makakayang paraan – magbahagi nang kakayanan para sa ating bansa.
Ayon naman kay SM Foundation executive director for Education Carmen Linda Atayde, “We do this at the start of every school calendar and we never get tired of this event. Because while the program agenda remains almost constant, the many stories behind each scholar applicant’s journey from application to being chosen take different forms as each one comes from diverse situations and locations.”
Narito ang ilan sa mga nakapanayam ng PILIPINO Mirror sa mga bagong scholar ng SM Foundation.
ASHANNA NICOLE BAUTISTA, San Nicolas, Pangasinan
“Sa totoo lang po, sa sobrang kasiyahan at kagalakan ko na maging bahagi o isa sa mahigit 300 new scholars ng SM Foundation, Inc. Ako po ay napaiyak na lamang noong nakita at nabasa ko ang salitang “Congratulations” sa email ko. Sobrang saya at blessed ko dahil ako ay pinalad na makapasok sa scholarship na ito. Pinakinggan talaga ng Poong Maykapal ang aking panalangin. Ako bilang isang estudyante na parte ng sira o broken family ay natutuwa talaga ako na makapasa sa isang scholarship na makakatulong para maabot ko ang inaasamasam ko na pangarap sa buhay,” bahagi ng masayang pahayag ni Ashanna Nicole.
Isa sa naging motivation ni Ashanna ay ang kaniyang ina na solo parent kaya nagpursige itong makapasok bilang scholar ng SM Foundation.
“Bilang anak ng isang solo parent, nakikita ko kung gaano nahihirapan ang aking ina para lang buhayin at mapag-aral ako. Nakikita ko kung paano siya nagsasakripisyo para mabigyan lang ako ng magandang kinabukasan. Sa totoo lang, ang aking ina ay sumubok noon na magtrabaho sa ibang bansa, hindi lang isang beses, kundi maraming beses siyang sumubok. Kaso, sa kasamaang palad, lagi siyang napupunta sa mga amo na hindi maganda ang ugali. Hindi siya pinapakain at ikinukulong pa siya. Dahil sa trauma na kaniyang dinanas, hindi na siya bumalik sa ibang bansa,” ang nakalulungkot na pahayag ni Ashanna sa sinapit ng kaniyang ina sa pag-aabroad.
Sa ngayon, sa online selling siya binubuhay ng kaniyang ina.
Bitbit ang pag-asang maabot ang mga pangarap at makatulong sa kaniyang ina, pagsusumikapan niyang mapanatili ang pagiging SM scholar hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral ayon kay Ashanna.
“Ang masasabi ko sa SM / SM Foundation at sa Sy Family ay sobrang salamat po. Salamat po dahil hindi kayo nagsasawang tumulong sa mga kagaya ko na kapos sa pinansiyal. Sana po marami pa kayong matulungan na mga tao na talagang nangangailangan ng tulong ninyo. Sobrang blessed, suwerte at proud po kami sa inyo dahil meron kaming iniidolo na may mabuting kalooban at ang tanging inaasam lamang ay ang tagumpay ng bawat isa upang makaahon sa kahirapan. Ipapangako ko po sa inyo na aalagaan kong mabuti ang ibinigay ninyong pagkakataon sa akin. At kung ako naman po ang makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho, ibabalik ko din po ibang tao ang blessings na dadating sa akin sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Pagpalain po kayo ng Panginoon,” pasasalamat ni Ashanna Nicole.
NATHALIE ORTILLO, E.B. Magalona, Negros Occidental
“I’m so honored and grateful to be one of the scholars and to be given the opportunity to rise from my situation through education. The SM Foundation is really concerned about the education of the disadvantaged and that is why I am here today, striving to be one of the civil engineers produced by the SM Scholarship Program,” pahayag ni Nathalie nang mapabilang sa bagong SM Scholar.
Bilang panganay at breadwinner, ito umano ang naging dahilan ni Nathalie para subukan ang mapasama sa mga bagong SM Scholar ngayong taon.
“My current situation has motivated me to try for the SM scholarship. Being the breadwinner and the first born, I was working throughout the summer. I remembered telling myself that I could not be like this while studying because it’s really a challenge. So I decided to find a scholarship that suits me and I’ve found SMFI,” ayon kay Nathalie.
Isa sa mga hilig ni Nathalie noong bata pa lamang ito ay ang mga building at gumawa ng mga design sa mga imprastraktura.
“When I was a child, I was really fond of buildings, until I got to know more about engineering. I want to be someone who plans and builds infrastructures – which gives you the opportunity to solve problems and design structures that really matter, that make the world a better place to live. That’s why I took Civil Engineering,” kuwento pa ni Nathalie.
Malaki rin ang paniniwala ni Nathalie sa “spreading social good” lalo na kung nakaluluwag ka sa buhay dahil makatutulong umano ito na maingat ang din ang buhay ng iba.
“By paying the kindness forward, you can make quite an important difference in this world – which can set a chain reaction in motion. If you pay it forward to those in need, for sure they will pay it forward themselves” aniya
“No words will ever be enough to show my gratitude to the SMFI. This has already changed my life. I remembered worrying about where I would get the money that I need to pay for my tuition. Then, when I was about to lose hope, SMFI provided me with hope. To the Sy Family and the SMFI scholarship team please know that this opportunity changes a lot of lives and we owe it to you. On behalf of the scholars, we vow to take good care of this opportunity and strive harder in our studies in order for us, and our families to have a brighter future.”
Ang SM Scholarship Program ay sinimulan noong 1993. Sa kasalukuyan, ito ay nakapagprodus na ng mahigit 8,000 college at tech-voc graduates. Sa iba pang detalye ukol sa programa, bisitahin ang kanilang website www.sm-foundation.org.
– Cris Galit