PARA YUMAMAN DAPAT MAGING MAHUSAY TAYONG MAGBENTA

rene resurrection

“MAGBENTA ay simple lamang; bigyan ang customer ng kasiyahan.”  Para yumaman ang isang tao, dapat ay maging magaling siyang magkumbinse. Ang umaasenso sa buhay ay iyong mga magagaling magbenta ng produkto, serbisyo o ideya.  Sa totoo lang, lahat naman ng tao ay marunong magbenta. Dapat lamang ay hasain nila ang kakayahang ito. Ang unang-unang dapat na mahusay nating ibenta ay ang ating sarili.  Kung ikaw ay mag-aaplay ng trabaho, dapat ay maga­ling kang magbenta ng iyong sarili sa kompanyang  papasukan.  Dapat makumbinse mo silang karapat-dapat kang maempleyo nila dahil sa dami ng iyong kakayahan. Kung ikaw ay naarkila na, dapat ay magaling kang magbenta ng iyong mga ideya at solusyon.  Ang tawag sa solusyong iminumungkahi mo ay  ‘proposal’.   ‘Pag magaling kang magkumbinse sa iyong  mga boss ng iyong mga kaisipan, magkakaroon ka ng magandang reputasyong matalino at magaling lumutas ng problema.  Ito ang klase ng empleyadong gustong-gusto nilang itaas sa puwesto.  Naipapaliwanag mo kasi nang mabuti ang iyong mga estratehiya, solusyon sa mga problema, at paraan kung paanong pararamihin ang mga customer.

Isang magandang kakayahan sa trabaho ang magaling magbenta. Ang kayamanan ng kompanya ay nagmumula sa mga custom-er.  Para lumapit sa kompanya  ang maraming mamimili, at para bumili sila ng marami, dapat ay magaling kang magbenta.  Dapat ay kaya  mong mahikayat silang maniwala sa taas ng uri ng inyong produkto o serbisyo.  ‘Pag mayroon kang kakayahang magbenta, malaking puntos ito para sa iyo bilang  manggagawa.  Nasa posisyong salesman (ahente) ka man o hindi, panalo ka ‘pag magaling kang magbenta. Ituturing kang may kakayahan na kailangang-kailangan ng kompanya.

Kahit sa panliligaw, dapat ay magaling kang magbenta ng iyong sarili para makumbinse mo ang iyong napupusuan na mahalin at pakasalan ka. Dapat ay makumbinse mo siyang ikaw ay mabuting tao, may kakayahang bumuhay at magbigay ng maginhawang buhay, at marunong mamuno ng pamilya. Walang babae ang may gustong mag-asawa ng isang lalakingwalang ibubuga. Ayaw nila ng pipitsuging lalakeng walang diskarte sa buhay.  Ang gusto nila ay isang lalakeng kaya silang bigyan ng kasaganaan.  Dapat ma-kumbinsi mo ang nililigawan mong mayroon kang kakayahang maghandog sa kanya ng matatag at mariwasang pamumuhay.  Kung magaling kang magbenta ng iyong sarili sa isang babae, maaaring mapagsagot mo ng “Oo” ang isang mataas na uri ng babae.  Kung hindi, baka ang mapangasawa mo ay isa lang mababang uri ng babae.

Nang ako’y may training program sa Windhoek, Namibia noong taong 2001, bumisita kami sa isang National Trade Fair.  Ka-gagaling pa lamang ng Namibia sa isang Apartheid government. Ang “Apartheid” ay isang klase ng gobyerno ng pinamamahalaan ng mga taong maputi (20%) bagamat ang karamihan (80%) ng mga mamamayan ay mga taong maitim.  Hindi ito demokrasya; ito ay mapanupil na gobyerno na gumagamit ng sandatahang lakas para supilin ang karapatan ng nakararami.  Subalit napatalsik ang go-byernong maputi at naging demokrasya ang bansa.  Napansin ko sa National Trade Fair nila na puro mapuputing tao lang ang nagbebenta; mga taong maiitim lang ang namimili.  Tinanong ko ang mga estudyante kong maiitim kung bakit ganoon? Bakit puro maputing tao lang ang nagbebenta? Ang sagot nila sa akin, ito raw ay dahil sa panahon ng gobyernong Apartheid, ipinagbawal ng mapanupil nagobyerno na magbenta ang mga taong maiitim sa mga taong mapuputi. Ang batas na ito ay pang-aapi sa mgataong maiitim noon.  Bakit ganito ang batas ng masamang gob­yernong pinatalsik?  Kasi, ang mga nagbebenta ang yumayaman, at ang mga taong palabili ang naghihirap.

Sa Filipinas, wala naman tayong batas na nagbabawal magbenta.  Demokrasya ang ating pamahalaan.  Kaya, tayong mga Filipi-no ay dapat hindi tagabili lang.  Dapat ay maging mahusay tayong magbenta ng mga produkto at serbisyo sa ibang tao, lalong-lalo na sa mga dayuhan, para yu­maman din tayo.  Sa nga­yon, nakakalungkot na mga da­yuhan ang mga nagbebenta sa ating mga Fili-pino at tayo ay mga tagabili lang.  Baguhin natin ang maling sitwasyong ito.

Tandaan: sa kaka­singko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.