NANG magbitiw ako sa trabaho, ayaw sanang pumayag ng boss ko. Sabi niya, “Huwag ka muna magbitiw. Mayroon kaming magandang plano para sa iyo. Manatili ka muna kahit na isang taon pa.” Hindi ako makahindi sa boss ko dahil napakabait niya. Marahil siya ang pinakamabait na amo sa buong mundo. Siya ang nagsabi sa akin, “Rex, basta sa larangan ng pagsasanay ng tao, buong-buo ang tiwala ko sa iyo. Kaharian mo iyan. Hindi kita pakikialaman diyan.”
Tumaba ang puso ko sa sinabi niya, kaya pinagbutihan ko ang trabaho, dahil ayaw kong mapahiya sa kanya. Mabigat ang loob kong pumayag na manatili sa posisyon ko ng isa pang taon tulad ng pakiusap ng aking boss. Inalok ng kompanya sa akin ang posisyong “Sales Training and Development Manager.” Ang pinakamalaki at pinakamahalagang dibisyon sa kompanya namin ay ang Sales kaya sinabi ng boss ko na mas maganda ang kinabukasan ko kapag doon ako sa dibisyong iyon. Subalit hindi ko nagustuhan ang alok nila dahil ang pakiramdam ko, mawawala ang aking “corporate perspective” na gustong-gusto ko dahil nanggaling ako sa pagtuturo ng Human Resources Development; at ito ay “corporate” ang pananaw. Kung matatali ako sa sales, magiging limitado ako sa pagsasanay ng mga tao sa Sales Division. Kaya tinanggihan ko ang alok nila.
Noong buwan ng Mayo, sumulat ako ng isang “irrevocable letter of resignation.” Kinabukasan, binisita ko ang mabait kong boss at sinabi, “Mam, puwede ko po ba kayong makausap?” Nang makita niya ang papel na hawak-hawak ko, malungkot niyang sinabi, “O Rex, hindi ka na ba talaga mapipigilan?” Sinabi ko, “Hindi na po. Sorry po.” Sinabi niya, “Kung gayon, sasabihin ko sa Executive Committee ang kapasyahan mo.” Tapos bigla niyang sinabi, “Pero teka Rex. Dalawang taon mo pa lang nababayaran ang “50% share” mo sa kotse mo. Kung magbibitiw ka na ngayon, babawiin ng kompanya ang kotse mo. Magbibitiw ka pa rin ba?” Natigilan ako ng ilang sandali at pagkatapos ay sumagot ako, “Ganoon po ba? Sige po, kung kailangang ibalik ang kotse ay ganoon ang gagawin ko.” Naghintay pa ako ng dalawang linggo, pagkatapos ay ibinalita sa akin ng boss ko, “Rex, mabuting balita – pumayag na ang Executive Committee na magbitiw ka, pero sa Agosto pa raw. At pumayag sila na ibigay na lang sa iyo ang kotse mo dahil sa marami mong ‘extra mile services’ na ginawa para sa kompanya.”
Hindi pa ako nagbibitiw, inimbitahan ako ni Bb. Evelyn Asia, manager ng Distribution Division, na magpatupad ng team building program para sa kanyang dibisyon; ang petsa ay sa July 31-Agosto 1. Bagama’t dapat ay wala na ako sa kompanya ng Agosto 1, ginawa kong isa pang ‘extra mile service’ na tanggapin ang imbitasyon niya. Todo-bigay pa rin ako sa team building program na inihatid ko sa kanya.
Pagdating ng Agosto 2, naging malaya na ako sa pamamasukan! Naging isa na akong negosyanteng nagsasarili. Sa totoo lang, matagal na akong nagparehistro ng negosyong ang pangalan ay “Passion for Perfection.” Ang misis ko ang nagpatakbo nito habang namamasukan pa ako. Nang magbitiw ako sa employment noong 1995, saka pa lang ako ang nagpatakbo ng family business namin.
Heto ang kasaysayan ng pangalan ng aming negosyo. Isang araw, habang nagmamaneho ako ng kotse papuntang opisina galing bahay, na-traffic ako sa kanto ng Ortigas Avenue at EDSA. Dahil mabigat ang traffic, nagpahinga muna ako at napalingon sa bandang kanan. Nakita ko ang isang restaurant ng pagkaing Japon at sa karatula nila ay nabasa ko ang mga salitang “We serve the best Japanese food. Passion for Perfection!” Nahumaling ako sa katagang Passion for Perfection. Sa aking pakiwari, ito ang sikreto ng mga Japon kung bakit lagi silang magaling sa lahat ng ginagawa. Mayroon sila ng passion for perfection. Gusto nilang laging nag-iibayo ang gawain. Dapat ay pagaling nang pagaling ang kalidad ng kanilang ginagawa. Ayaw nilang manatili sa datihang ginagawa. Hindi sila nakokontento sa lumang gawain. Dapat sa kinabukasan ay mas maganda na ang uri ng trabaho mo. Naisip ko, “Gusto kong gawing prinsipyo ng buhay ko ang konseptong iyan.” Kaya sinulat ko sa “Idea Notebook” ko ang mga salitang iyon.
Sa isang lunch break sa opisina, naisipan kong maglakad sa kahabaan ng Buendia Avenue Extension. Habang naglalakad ako, nakita ko ang opisina ng Department of Trade and Industry (DTI). Pumasok ako at naisipang magparehistro ng pangalan ng negosyo. Tinanong ako ng empleyado, “Pakisulat ng pangalan ng negosyo na gusto mo.” Sinulat ko ang Achievers of Corporate Excellence (ACE). Tiningnan ng empleyado ang computer niya at sinabing, “Hindi puwede ang pangalang iyan. Marami na ang may-ari ng ganyang pangalan. Mag-isip ka ng kakaibang pangalan na siguradong wala pang nakaisip noon.” Nag-isip ako at bigla kong naalaala ang “Passion for Perfection.” Kaya isinulat ko sa application form ang pangalang iyon. Nang mabasa ng empleyado, sinabi niya, “Passion for Perfection? Pangalan ba ng negosyo iyan?” Tiningnan niya ang computer at sinabi, “Wala pa ngang nakaisip ng pangalang iyan. Kaya, iyan na ang pangalan ng negosyo mo.” Mula 1991, iyan na ang pangalan ng aming family business. Passion for Perfection din ang prinsipyong ginagamit ko para maghatid ng todo-bigay na serbisyo sa kliyente. Itinuturo ko sa mga estudyante ko na gumamit ng prinsipyong ito para humusay sila sa trabaho.
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
नींबू के सेवन से लाभ…….अधिक जानना चाहते हैं, आज ही Url पर जाएँ
https://blog.ivery.in/benefits-of-lemon/
नींबू विभिन्न रोगों को नष्ट करनेवाले अनेक गुणों का भंडार है । नींबू के सेवन से लाभ यह अम्ल रसयुक्त, पचने में हलका, प्यास को कम करनेवाला, पेशाब को खुलकर लानेवाला, कृमिनाशक तथा वायुशामक होता है । नींबू के सेवन से लाभ भूखवर्धक, भोजन में रूचि बढ़ानेवाला तथा पाचन में सहायक होता है । यह आँखों एवं हृदय के लिए हितकर है । पेटदर्द तथा बुखार में लाभदायी है । यह रक्तपित्त का शमन करता है । जिनकी जठराग्नि मंद हो गयी हो, जो कब्ज व हैजा रोग से ग्रसित हों ऐसे लोगों को नींबू खिलाना हितकर है । आधुनिक अनुसंधानों के अनुसार नींबू में प्रबल कीटाणुनाशक शक्ति पायी जाती है तथा यह रोगप्रतिकारक क्षमता को बढ़ता है । विटामिन ‘सी’ की प्रचुरता के कारण नींबू स्कर्वी रोग से सुरक्षित रखता है । इसमें साइट्रिक एसिड तथा कैल्शियम, फॉस्फोरस आदि खनिज तत्त्व पर्याप्त मात्रा में होते हैं । इसमें निहित बायोफ्लेवोनोइड्स(bioflavonoids) नामक एंटी-ऑक्सीडेंट्स स्वास्थ्य के लिए लाभदायी है । नींबू के सेवन से लाभ नींबू के सेवन से त्वचा में निखार आता है, वजन कम करने में मदद मिलती है, रक्तदाब(B.P.) नियंत्रित (कम) रहता है तथा रक्तवाहिनियों की कार्यक्षमता में वृद्धि होती है । यह हृदयरोगों, पक्षाघात (paralysis), कैंसर आदि से रक्षा करता है । कैंसर होने पर यह औषधि के रूप में भी अत्यंत लाभदायी है । यह दाँतों व मसूड़ों के विभिन्न रोगों में भी फायदेमंद है ।
#स्वास्थ्य #फिटनेस #कसरत #फिट #खेल #शरी #स्वास्थ्यफिटनेस #फिटनेसमोटिवेशन #जिम #जिममोटिवेशन #बॉडीफिटनेस #फिटनेसगोल्स #स्वस्थस्वस्थ #स्वस्थ #पोषण #इंस्टाफिट #स्वास्थ्यऔरफिटनेसयात्रा
“Graphic Designing in Bhiwadi…..…..Want To Learn More, Visit The Url Today!
https://www.heavengoldinfotech.com/graphic-designing/
We Design Compelling Company Logos, Graphics, Infographics That Are Visually Appealing. We Are Experts In Creating Unique Content To Engage With Your Audience In A Constructive Way. Graphic Design Is A Profession, Academic Discipline And Applied Art Whose Activity Consists In Projecting Visual Communications Intended To Transmit Specific Messages To Social Groups, With Specific Objectives. Graphic Design Is An Interdisciplinary Branch Of Design And Of The Fine Arts.
#Socialmedia #Business #Seo #Marketingdigital #Onlinemarketing #Entrepreneur #Instagram #Advertising #Marketingstrategy #Digitalmarketingagency #Marketingtips #Smallbusiness #Graphicdesign #Design #Digitalmarketingtips #Website #Marketingagency #Ecommerce #Onlinebusiness”””