PARA YUMAMAN, GAMITIN ANG ‘VOLUNTARY SYSTEM’ NG PAGTATRABAHO

Heto Yumayaman

NOONG January 1984, nagpakasal kami ng nobya ko.

Tumira kami sa aking BLISS unit sa Sikatuna Village, Quezon City, na pagmamay-ari ng Unib- ersidad ng Pilipinas.

Lumipat ng ibang tirahan ang aking dalawang boarders. Nakalibre kami sa pagbabayad ng monthly amortization sa aming tirahan dahil sinabihan kami ng Residents Association na huwag munang magbayad habang hindi pa nakukumpuni ng gobyerno ang ilang sira sa BLISS.

Lagi akong sumasama sa aking misis na mamalengke sa Nepa-Q-Mart, kaya natuto akong ma-malengke at tumawad sa presyo. Ang misis ko ang nagturo sa aking kumain ng iba’t ibang uri ng gulay at isda. Sa tahanan kasi ng aking ama, ang lagi naming pagkain ay karne. Dati nan- didiri akong kumain ng tal- ong at okra dahil madulas ito. Subalit napagtanto ko na napakasarap pala nito.

Pareho kaming may trabaho ng misis ko at pareho rin kaming matipid, kaya lumaki ang ipon

 

namin. Ang lakad namin ay papunta lang ng UP para magtrabaho at sa Old Balara, Quezon City para maglingkod sa simbahan ng Panginoon. Ako ang nagsilbing pastor ng simbahang ito kahit na walang suweldo. “Labor of love” (libreng trabaho) lang ang ginawa namin ni misis. Ang misis ko ang nagturo sa Sunday School nang walang bayad. Ang ikapu ng suweldo namin ay ibinibigay namin sa simbahan. Dahil karamihan sa mga miyembro namin ay mga iskwater, kami ng misis ko ang nagbibigay ng pinaka- malaking ikapu. Tinuruan ko ang mga miyembro na mag-ikapu rin. Hindi dahilan ang karalitaan para hindi magbigay sa Panginoon. Marahil nga kaya sila mahirap at nananatiling mahirap ay dahil hindi sila nagbibigay. Dati, ibinigay ko sa isang miyembro ang pangangasiwa ng aming ikapu dahil akala ko ay mapagkakatiwalaan siya. Sa kasawiang-palad, ginastos niya para sa sariling pangangailangan ang pera ng Panginoon. Dahil dito, inalis ko sa kanya

 

ang katungkulang ito at ako na lang ang nangasiwa sa pera ng Panginoon. May dumating na sumpa sa miyembrong iyon dahil sa kanyang pagnanakaw ng banal na salapi. May sakit na dumapo sa kanya at sunod-sunod ang suliranin sa pera na dumating sa kanya. Naligaw siya ng landas; nahulog siya sa makasalanang pamumuhay. Paglaon, nagsisi siya, nanumbalik sa pagdalo sa simbahan at nagbagong buhay.

Mula nang ako ang mangasiwa sa pera ng Panginoon, lumaki nang lumaki ang ipon ng simbahan. Nabayaran ang lahat ng obligasyong kaperahan ng simbahan – koryente at tubig. Dahil pinairal ko ang ‘voluntary system’, wala kaming taong binayaran ng suweldo. Nahiya ang mga miyembrong humingi ng pera sa akin para sa kanilang serbisyo dahil ako mismo na nagpapastor ay walang pakinabang-bayad, ni singko o mamera.

Inilagay ko sa Time Deposit ang pera ng Panginoon. Noong panahong iyon, kumita ng 12-14%

 

kada taon ang pera. Paglipas ng ilang taon, nangusap ang Panginoon sa akin na ilabas na ang pera ng simbahan mula sa bangkong iyon at ilipat sa Traders Royal Bank. Pagkalipat ko ng pera, nagsara ang unang bangko.   Tamang-tama ang timing ng pagkakaalis ko ng pera ng Panginoon. Nagkaroon ng raffle ang Traders Royal Bank at ang bank account ng aming simbahan ang nanalo! Binigyan kami ng cash prize na 50,000 pesos kaya lalong lumaki ang ipon ng aming simbahan. Pinalaki namin ang gusali ng aming simbahan at pinalagyan namin ng maraming bintilador. Noong panahong wala kaming sinusuwelduhan sa simbahan, dumami ang mga boluntaryong naglingkod sa Diyos. Marami sa elders o mga matatanda sa simbahan ay nagmisyonero sa iba’t ibang lugar

– Barangay Pasong Tamo sa Caloocan, sa Barangay

  1. Luna, sa Pook Calderon, sa Pook Capitol Hills, at isa pang pook sa Pasig. Lahat ng gastusin nila sa pagmimisyon ay kinargo ng aming simbahan. May-

 

roon kaming isang matanda sa simbahan na pulis na gustong mag-aral sa Four Square Bible School para maging pastor. Kami ang nagbigay ng scholarship sa kanya; ang simbahan ang kumargo ng mga gastusin niya sa pag-aaral.

May isang Young People (kabataan) na gusto ring mag-aral sa Temple Bible School. Binigyan din namin siya ng scholarship. Mayroon kaming isang inhinyero at matanda sa simbahan na gustong mag-aral sa Asian Theological Seminary (ATS) para magpastor; iniskolar din namin siya.

Mayroon kaming ilang kabataan na nagmisyonero sa isang Mangyan tribe sa bundok ng Oriental Min doro. Nag-fund raising kami sa pamamagitan ng isang   Christian   concert at ang pera ay ginamit namin para magtayo ng isang “Mangyan Training Center.”

Nagkaroon ng prob- lema ang mga Mangyan. Ang mga lupa nila ay inangkin ng mga taga-patag. Nawawala na ang kanilang lupain at tirahan. Sa awa

 

namin, bumili kami ng pitong ektaryang lupa, pinatituluhan, at inambag namin sa Mangyan tribe na tinulungan at tinuruan namin. Ngayon ligtas na sila sa pang-aapi at pag- kakamkam ng lupa ng mga taga-labas.    Nagkaroon sila ng seguridad ng tirahan dahil sa lupang ibinigay namin sa kanila. Kaya kahit maliit lamang ang aming simbahan, kahit ang karamihan sa aming mga miyembro ay mga iskwa ter lamang, napakaraming nagawa ng aming simbahan para sa kaluwalhatian ng Panginoon.

Napakaimportante ang wastong pangangasiwa ng pera para magtagumpay ang mga proyekto.   Dapat gamitin ang ‘voluntary system’ ng pagtatrabaho para maraming magawa kahit maliit lang ang gastos.



(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PAS SION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)

32 thoughts on “PARA YUMAMAN, GAMITIN ANG ‘VOLUNTARY SYSTEM’ NG PAGTATRABAHO”

  1. I am curious to find out what blog platform you have been working with?
    I’m having some small security issues with my latest site and I would like to find something more
    safeguarded. Do you have any solutions?

  2. What i do not realize is in fact how you are not really a lot more smartly-favored than you may be right now.

    You’re so intelligent. You realize thus significantly in relation to
    this topic, made me for my part believe it from a lot of
    varied angles. Its like women and men don’t seem to
    be involved unless it’s something to accomplish with Woman gaga!

    Your own stuffs nice. Always take care of it up!

  3. Your means of describing everything in this piece of writing is in fact pleasant, every one can effortlessly understand it,
    Thanks a lot.

  4. Howdy! I could have sworn I’ve visited this web site before but after
    browsing through some of the posts I realized it’s new to me.
    Anyhow, I’m certainly delighted I stumbled upon it and I’ll be book-marking it and checking back regularly!

  5. Its like you read my mind! You appear to know so much about this, like you wrote
    the book in it or something. I think that you can do with a few pics to
    drive the message home a little bit, but instead of that, this is magnificent blog.
    A great read. I will certainly be back.

  6. I have been browsing online more than 4 hours today,
    yet I never found any interesting article like yours.
    It is pretty worth enough for me. Personally, if all webmasters and bloggers made
    good content as you did, the internet will be much more useful than ever before.

  7. Holymoly that’s crazy man! Thank you so much I really appreciate for this man.
    Can i give back change your life and if you want to have a
    glance? I will definitly share info about how to change your life I will be the one showing
    values from now on.

  8. It’s a pity you don’t have a donate button! I’d most certainly donate to this outstanding blog!
    I guess for now i’ll settle for bookmarking and adding your RSS feed to my Google account.
    I look forward to fresh updates and will talk about this blog
    with my Facebook group. Chat soon!

  9. Greetings I am so thrilled I found your blog, I really found you by mistake, while
    I was looking on Google for something else, Regardless I am here now and
    would just like to say many thanks for a tremendous post and a all round
    thrilling blog (I also love the theme/design), I don’t have time to go through it all
    at the minute but I have book-marked it and also added your
    RSS feeds, so when I have time I will be back to read
    more, Please do keep up the awesome job.

Comments are closed.