PARA YUMAMAN, HANAPIN ANG GABAY NG PANGINOON

Heto Yumayaman

NOONG 1994, ang kaibigan kong si Roland ay may malakas na pananampalataya sa Diyos.  Siya ang naging tagapayo at taga-aliw ko noong panahong pinanghinaan  ako ng loob dahil sa ‘di makatarungang pagtrato sa akin ng aking pinag-trabahuhan sa kabila ng aking todo-bigay na serbisyo.  Minsan, nagpatupad ako ng  team building program para sa dibisyon ni Roland.  Naging magka-kuwarto kami.  Nanood kami ng isang Christian Conference sa telebisyon at narinig namin si Prophet  Dr. Bill Hamon na nagpropesiya na pagpapalain ng Diyos ang bansang Filipinas sa mga huling araw.

Gagawin ng Diyos na kasing-yaman ng Estados Unidos ang Filipinas.  Lumakas ang kalooban namin dahil sa mga pananalitang ito.  Dito ako nakilala sa mga tinatawag na ministeryo ng  propesiya.  Sa aking pananaliksik, may nakita akong paanyayang sumali sa isang “Prophetic Conference” na gaganapin sa Nikko Hotel (ngayon ay Dusit Hotel) sa Makati.  Malapit lang ito sa aking opisina.

Kaya pagkatapos ng trabaho ko sa opisina, pumunta ako sa Nikko Hotel para makilahok sa Prophetic Conference.  Ang tagapagsalita ay si Prophet Jonathan David ng Malaysia.  Nagpropesiya siya na ang Filipinas ay kagaya ng leong si Simba sa pelikulang “Lion King” ng Walt Disney Productions.  Ang Filipinas daw ay isang piniling bansa ng Diyos.  Isa siyang parang “Haring Bansa” na nakalimutan niyang hari siya.  Napatapon siya sa isang lugar ng karalitaan at pagkalimot at hindi niya nagampanan noong una ang kanyang tadhanang maging isang mahusay at makapangyarihang bansa.

Subalit sa mga huling araw, ititindig siya ng Diyos para maging isang pinagpala, mayaman at makapangyarihang bansa.  Pumaimbulog ang  kalooban ko dahil sa mga salitang ito.  Nakumpirma ang propesiya tungkol sa Filipinas na binigkas ni Dr. Bill Hamon.  Pagkatapos, tinanong ni Prophet Jonathan kung sino sa amin sa kapulungan ang gustong tumanggap ng prophetic anointing. Kung mayroong may gusto, lumapit lang sila sa harapan.  Gusto kong tumanggap, kaya tumayo ako at pumunta sa harapan.  May Filipinong pastor ang nagpatong ng kamay sa aking ulo at nanalangin siya, “Tanggapin mo ang lipat-yaman (wealth transfer) mula sa Panginoon.”  Nanampalataya ako na natanggap ko ang paghipo ng Diyos at nagpasalamat ako sa Kanya.

Pagkatapos noon, umuwi na ako.  Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako ng panaginip.  Sa panaginip ko, mayroon akong isang pambihirang imbensiyon.  Isa siyang sasakyan na tumatakbo sa puwersa ng grabidad (gravity) at hindi sa koryente o langis.  Minamaneho ng anak kong si Miki ang sasakyang ito at tumatakbo ito paikot-ikot sa aking garahe.  Ang misis ko ay nakaupo sa  tabi, nakapikit, at nanalangin, “Salamat, Panginoon.  Ito na iyon.  Ito na ang pagpapala mo sa amin.”  Nakatayo ako at pinagmamasdan ang  lahat ng pangyayari at nakarinig ako ng tinig mula sa langit, “Ito ay bahagi ng lipat-yamang ibibigay ko sa iyo.”  Tuwang-tuwa ako at nagpasalamat sa Diyos.  Ito ang aking panaginip.

Makalipas ang ilang araw, inimbitahan ko ang kapatid kong si Atty. Dante at ang pamilya niya na matulog sa aking tahanan.  Nabanggit ng sister-in-law ko na si Luchie  na ang kamag-anak niya sa Lipa, Batangas ay nalubog sa utang at iilitin na ng bangko ang kanilang bahay kung hindi mababayaran ang utang.

Kaya humahanap sila ng maaaring bumili ng kanilang maliit na farm para mailigtas ang bahay at lupa nila.  Tapos, tinanong ako ni Luchie, “Puwede bang ikaw na lang ang bumili ng farm nila?”  Sinabi ko na titingnan ko muna. Kaya makalipas ang ilang araw, pumunta kami sa Lipa, Batangas.  Nakilala ko si Tiyo Hilario, ang may-ari ng farm.  Pinuntahan namin ang unang farm niya at nakita kong matarik at mabato ang lupa, kaya hindi ko nagustuhan.  Tapos, dinala niya ako sa pangalawa na maliit ang sakop subalit napakaganda!  Punom-puno ng tanim.  Ang ganda ng pakiramdam ko.  Malakas ang udyok ng Panginoon sa aking puso, “Ito ay bahagi ng lipat-yamang ibibigay ko sa iyo.”  Sinabi ng misis ko, “Rex, gusto ko ito.  Ang ganda ng farm na ito.”  sinabi ko, “Oo nga, maganda rin ang pakiramdam ko.”  Umuwi na kami.  Pinagbulay-bulayan ko kung ano ang kalooban ng Diyos.

Nagkaroon na naman ako ng panaginip.  Napanaginipan ko na ako na ang may-ari ng farm niTiyo Hilario.  May nahuli akong isang lalaking nanunungkit ng mga prutas.  Tinanong ko siya, “Ginoo, bakit po kayo nangunguha ng bunga ng mga punong kahoy?”  Sinabi niya, “Kasi may utang ang may-ari ng sakahang ito sa akin at ang bayad niya ay ang bunga ng kanyang mga puno.”  Sinabi ko, “Hindi na po siya ang may-ari nito.  Ako na po ang may-ari.”  Sumagot siya, “Ganoon po ba?” At umalis na siya.  Nakita ko na mayroon na kaming bahay na bato roon at may maliit na paliguan at nagtatampisaw at  nagkakatuwaan ang aking mga anak.  Dito natapos ang panaginip.

Pagkagising ko, sinabi ko sa misis ko, “Anji, nangusap ang Panginoon.  Bilhin na natin iyong farm.”  Kaya kinausap ko ang kapatid kong abogado para ilipat ang titulo ng lupa sa aming pangalan.  Binayaran ko si Tiyo Hilario ng halagang hiningi niya, at binayaran ko rin ang aking kapatid para sa serbisyong ginawa niya para sa akin.  Kaya ngayon, mayroon nang maliit na farm ang aking pamilya at doon kami laging nagbabakasyon.  Iniimbitahan namin ang maraming kaibigan na makisaya sa amin sa presensiya ng Panginoon.  Para yumaman, hanapin ang gabay ng Panginoon.

Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.



Maaari niyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.

21 thoughts on “PARA YUMAMAN, HANAPIN ANG GABAY NG PANGINOON”

  1. Hey there just wanted to give you a brief heads
    up and let you know a few of the pictures aren’t loading correctly.
    I’m not sure why but I think its a linking issue.
    I’ve tried it in two different web browsers and both show
    the same results.

  2. Do you have a spam issue on this website; I also am a blogger,
    and I was wanting to know your situation; we have developed some nice practices and we are looking to swap strategies
    with others, please shoot me an email if interested.

  3. Greetings from California! I’m bored to death at work so I decided to check out your website on my iphone during lunch break.
    I enjoy the knowledge you present here and can’t wait to take a look
    when I get home. I’m shocked at how fast your blog loaded on my cell
    phone .. I’m not even using WIFI, just 3G .. Anyhow, very good blog!

  4. Excellent post. I was checking constantly this blog and I’m impressed!

    Extremely useful information particularly the last part :
    ) I care for such information a lot. I was looking for this particular information for a very long
    time. Thank you and good luck.

  5. I’m not certain the place you are getting your info, but great topic.

    I must spend a while finding out much more or working out more.
    Thanks for excellent info I used to be looking for this information for
    my mission.

  6. I’m really enjoying the design and layout of your blog.
    It’s a very easy on the eyes which makes it
    much more enjoyable for me to come here and visit more
    often. Did you hire out a designer to create your theme?
    Superb work!

  7. It is the best time to make some plans for the future and it is time to be happy.
    I have read this post and if I could I wish to suggest you some interesting things or suggestions.

    Maybe you could write next articles referring to this article.
    I want to read more things about it!

  8. I’ve read a few good stuff here. Definitely worth
    bookmarking for revisiting. I surprise how so much
    effort you put to create this kind of fantastic informative website.

  9. When I originally left a comment I seem to have clicked the -Notify me
    when new comments are added- checkbox and now whenever a comment is added I recieve 4 emails with the same comment.
    Is there an easy method you are able to remove me from that
    service? Appreciate it!

  10. Wonderful goods from you, man. I’ve understand your stuff previous to and you’re just extremely
    fantastic. I actually like what you have acquired here, really like
    what you’re stating and the way in which you say it.
    You make it entertaining and you still care for to keep it wise.

    I can’t wait to read far more from you. This is actually a tremendous site.

  11. Howdy would you mind letting me know which
    webhost you’re utilizing? I’ve loaded your blog in 3 completely different internet browsers and
    I must say this blog loads a lot quicker then most. Can you recommend a
    good hosting provider at a reasonable price?

    Thank you, I appreciate it!

  12. I really like your blog.. very nice colors & theme.
    Did you design this website yourself or did you hire
    someone to do it for you? Plz answer back as I’m looking to
    design my own blog and would like to find out where u got this from.
    thanks

  13. Wonderful goods from you, man. I have understand your stuff previous to
    and you are just extremely fantastic. I actually like what you
    have acquired here, really like what you’re stating and
    the way in which you say it. You make it entertaining and you still care for to keep it wise.
    I can’t wait to read much more from you. This is really a great web site.

  14. Holymoly that’s crazy man! Thank you so much I really appreciate
    for this man. Can i show back my value on change your life and if you want to have a glance?

    I will definitly share info about how to learn SNS marketing I
    will be the one showing values from now on.

Comments are closed.