PARA YUMAMAN, IBIGAY ANG UNANG BUNGA NG KITA SA PANGINOON

Heto Yumayaman

NOONG Agosto 2, 1995, naging malaya na ako sa pamamasukan (employment).  Nagsarili na ako bilang isang negosyante ng negosyong ang pangalan ay Passion for Perfection Consultancy.  Kabadong-kabado ako dahil hindi ko alam kung magiging matagumpay ba ang aking negosyo.  Ang negosyo ay walang katiyakan kung magtatagumpay.  May tatlong anak ako at buntis ang misis ko sa pang-apat naming anak.

Magkakaroon ba ako ng mga kliyente na magbibigay sa akin ng mga proyekto?  Mapapakain at mapag-aaral ko ba ang aking mga anak?  Ang dating library (aklatan) ng aking bahay ay ginawa kong opisina.  Tuwing umaga, pumupunta ako sa kuwarto ng opisina, sinasara ang pintuan, at nagpapatirapa ako sa sahig para manalangin sa Panginoon.  Sinasabi ko, “Panginoon, ikaw lang ang aking pag-asa.  Wala na akong among tao.

Wala na akong tiyak na buwanang kita.  May pamilya akong dapat alagaan.  Ikaw na po ang bahala sa amin.  Bigyan mo po ako ng mga kliyente at proyekto.”  Nagugulat ako dahil tumutunog ang telepono namin at pagsagot ko, may mga kliyente na tumatawag para imbitahan akong magpatupad ng mga programa para sa kanilang opisina.  Ang mga madalas kong programa noon ay Positive Work Attitude, Professional Excellence, Training of Trainers,  Teambuilding, Strategic Planning, Supervisory Development Program, atbp.  Tinatanong ko ang mga tumatawag, “Paano ninyo po ako nakilala?”  Ang sagot ng marami ay, “May nagrekomenda sa iyo.”

Natutunan ko na ang sikreto pala sa matagumpay na negosyo ay paglingkuran mo ang kliyente mo nang todo-bigay.  Maghatid ka ng serbisyong lampas pa sa kanilang inaasahan.  Hindi lang sila masaya, kundi ay masayang-masaya.  Kapag ganito ang pakiramdam ng kliyente mo – masayang-masaya – ang tingin nila ay sobra ang liit ng ibinabayad nila bilang kapalit ng serbisyong inihatid mo.

Dahil dito, irerekomenda ka nila sa kanilang mga kakilala.  Nagiging para silang libreng sales people ng iyong kompanya.  Hindi mo sila sinusuwelduhan subalit ibinebenta ka nila sa ibang posibleng kliyente. Kaya nga may Kasabihan, “The best advertisement for our business is word of mouth from satisfied customers” (Ang pinakamainam na pagpapakilala ng ating negosyo ay rekomendasyon mula sa mga masasayang kustomer).  Ilan sa mga unang kliyente ko ay mga dati kong estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na naging mga manager ng mga malalaking opisina sa gobyerno o pribadong sektor.

Pagdating ng Oktubre 1995, nagkaroon ng Programang Training of Trainers sa Pagnenegosyo ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang kapartner nilang German Agency for Technical Cooperation (GIZ).  Ang misis ko ay isang entrepreneurship trainer na laging kinukuha ng mga Aleman para magpatupad ng mga programa sa ibang bansa.  Buntis ang misis ko noon at gusto niyang maging isa rin akong guro ng negosyo kagaya niya.  Kaya inirekomenda niya ako para maging kalahok ng darating na programa.  Pumasa ako sa screening na ginawa ng DTI dahil dati akong guro ng Training of Trainers sa UP at ang dati kong posisyon sa isang Multinational Pharmaceutical Company ay Training and Development Manager.

Napili akong maging isa sa mga kalahok ng programang pinondohan ng gobyerno ng Alemanya.  Dahil sa aking background sa pagsasanay ng tao, naging isa ako sa pinakamahusay na kalahok.  Natutunan ko ang tinatawag na “Competency- based Economies through Formation of Enterprise (CEFE).”  Ito ay ipinatutupad ng mga Aleman sa mahigit na isang daang bansa sa mundo, kasama na ang Pilipinas.  Ang metodo nila ng pagsasanay ay tinatawag na “Experiential Method” o “Learning by Doing.”  Tuturuan mong maging negosyante ang mga estudyante mo sa pamamagitan ng pagtatayo at pagpapatakbo ng totoong negosyo.  Napaka-praktikal ng metodong ito.

Nang matapos na ang isang buwang pagsasanay na ito, nagpatupad naman ng mga entrepreneurship program ang DTI sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas, at kaming mga sinanay ang nagpatakbo ng mga ito.  Hindi ko akalaing pinagmamasdan pala ako.  At natuwa sila sa nakita nilang husay kong magsanay ng tao.  Masiglang-masigla ang aking pamamalakad ng mga programa at pagtuturo ng mga paksa.  Gigil na gigil akong magturo at masayang-masaya naman ang aking mga kalahok.  Sa evaluation, mataas ang ebalwasyong binibigay nila sa akin.  Nang makita ng mga Aleman at DTI ang mataas kong antas, sinabi nilang irerekomenda nila ako sa mga darating nilang programa.

Noong unang taon ng aking negosyo – Agosto 1995 hanggang Agosto 1996 – puro lang mga lokal na kliyente ang aking pinaglingkuran.  Pagdating ng Setyembre 1996, inimbitahan ako ng CEFE Project sa bansang Thailand para magpatupad ng CEFE Training of Trainers.  Sabik na sabik ako sa imbitasyong ito.  Sinabi ko sa misis ko, “Mahal, ito ang pinakauna kong proyektong internasyonal.  Tratuhin natin itong ‘unang bunga’ para sa Panginoon.”

Sinabi ng misis ko, “Ano ang ibig mong sabihing ‘unang bunga?’”  Sinagot ko siya, “Lahat ng ibabayad sa akin ng CEFE Thailand ay ibigay nating lahat sa Panginoon.”  Nagulat ang misis ko subalit pumayag siya.  Kaya nagpunta kami sa Chiang Mai, Thailand, at nagpatupad ng CEFE Training of Trainers sa loob ng isang buwan.  Naging matagumpay ang programa.  Nang bayaran kami, inilagay namin sa isang bank account,  at isinulat ko ang katagang “Pera ng Panginoon.”  Ipinamigay ko ang pondong iyon para sa  iba’t ibang simbahang Kristiyano, mga pastor at misyonero.  Pagkatapos nito, nagulat ako sa sumunod na nangyari – sunod-sunod ang mga programang internasyonal na dumating sa akin.

vvv

(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

75 thoughts on “PARA YUMAMAN, IBIGAY ANG UNANG BUNGA NG KITA SA PANGINOON”

  1. Of course, your article is good enough, majorsite but I thought it would be much better to see professional photos and videos together. There are articles and photos on these topics on my homepage, so please visit and share your opinions.

  2. 120234 594843There a couple of fascinating points over time here but I dont know if I see them all center to heart. There exists some validity but Let me take hold opinion until I look into it further. Really great post , thanks and now we want more! Included with FeedBurner at the same time 61947

  3. 555792 648807Heya just wanted to give you a brief heads up and let you know several of the pictures arent loading properly. Im not confident why but I feel its a linking issue. Ive tried it in two different internet browsers and both show the same outcomes. 173788

Comments are closed.