ISA sa sikreto ng matagumpay na negosyo ay ang pagbibigay ng ikapu ng kita ng iyong negosyo sa Panginoon. Ang sabi ng Panginoon, “Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.” (Malakias 3:10).
Sinunod ko ang utos na ito ng Panginoon. Totoo ngang binuksan ng Diyos ang durungawan ng langit para ibuhos sa akin ang pagpapala. Isa sa mga pagpapala ng Diyos ay ang pagpapadala sa akin ng mga tinatawag kong “miracle clients” at “business angels.”
Isa sa mga business angel ko ay si Ms. Emmy. Dati ko siyang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagpamalas siya ng kahusayan at sigla sa aking kurso, kaya binigyan ko siya ng pinakamataas na grado. Paglipas ng mga taon, biglang tumawag siya sa akin sa telepono. Matagal na pala niya akong hinahanap. Nagtrabaho siya sa isang telecommunication company. Bise-presidente siya ng Human Resources Development. Gusto niyang tuparin ang hiling ng presidente ng kompanya na baguhin ang kultura ng kompanya para maging ‘world-class’ ito.
Pinadisenyo ako ni Emmy ng isang programang magtuturo ng mga core values ng kompanya sa 300 empleyado nila. Mayroon silang apat na core values – Professionalism, Excellence, Integrity, at Teamwork. Pumili si Emmy ng walong “champion employees” na nagpamalas ng core values ng kompanya sa kanilang kilos. Ang walong champion employees na ito ang una naming sinanay sa aking “Values Cascade Program.” Hiningi ko ang mga mungkahi nila kung paanong mas lalong pagagandahin ang programa. Nang mapulido na namin ang disenyo, saka pa lamang namin ipinatupad ang programa sa lahat ng mga empleyado — mula sa mga manager hanggang janitor. Labinlimang batches ang sinanay namin. Tatlong araw ang haba ng programa. Gumamit ako ng mga larong edukasyonal para maibaon ang mga core values sa puso ng mga empleyado.
Para matutunan ang Excellence (Kahusayan), nilaro namin ang larong “XO Game” na dinisenyo ng Management Systems International (MSI) ng Harvard. Para makapuntos, kailangan ng grupo na makapasok sa “market.” Subalit hindi sila makapasok-pasok sa market dahil hindi nila naaabot ang inaasahan ng customer sa produkto. Palpak ang gawa nila. Ang problema nila ay hindi sila nagtatanong sa customer kung bakit nire-reject ang produkto. Dahil hindi nagtatanong, hindi nila magawa ang produktong gusto ng customer. Paglipas ng maraming round, saka pa lamang nila napagtanto na dapat lang pala ay magtanong sa customer para maabot ang inaasahan ng mga ito. Aral: “Hindi puwede ang puwede na.”
Para matutunan ang Professionalism, nilaro namin ang isang larong dinisenyo ng German Agency for International Cooperation (GIZ), ang “Laro ng Perlas.” Hinati sa limang grupo ang mga kalahok. Bumili sila ng mga beads sa supplier. Nangako sila sa customer kung ilang dekalidad na produkto (bracelets) ang ide-deliver nila sa takdang oras. Subalit nang dumating na ang taning na oras, hindi nila nai-deliver and pangako nila. At nang ginamitan ng quality control test, nagkaputol-putol ang mga produkto; mahihinang klase ang gawa nila. Sa Round 1, nalugi ang lahat ng grupo at dismayado ang customer. Tinalakay namin kung paano malulutas ang problema. May nagsabi na kailangan daw ay mayroong karayom at nylon. Sinabi ng supplier na mayroon siya ng mga gamit na ito, subalit hindi naman nagtanong ang mga grupo. Sa round 2, nagtanong na sila at nakabili sila ng mga karayom at nylon. Naging makatotohanan na rin ang kanilang target. Nai-deliver nila ang mga pangako nila. Naging matibay na rin ang kalidad. Tuwang-tuwa ang customer at kumita ang lahat ng mga grupo. Aral: “Ang iyong pangako, hindi dapat napapako.”
Para matutunan ang Integrity, nilaro namin ang “Pragma Game” na inimbento ko. Dahil sa pagnanais ng mga participant na mapabilis ang proseso at para kumita ng mas malaking pera, natukso silang magrehistro ng negosyo sa manloloko na nagpanggap na opisina ng gobyerno. Bumili rin sila ng materyales na mababa ang kalidad. Tinanggihan ng customer ang lahat ng kanilang produkto. Nagkalugi-lugi ang mga kompanyang nandaya. Ang mga kompanyang tumupad sa tamang proseso at hindi nandaya ang nagtagumpay at kumita. Aral: “Honesty is the best policy.” Huwag mandadaya.
Para matutuhan ang teamwork, ginamit namin ang larong “Iligtas ang Reyna.” Si Emmy ay inilagay namin sa isang bangka na nakaangkla sa gitna ng dagat. May limang grupo ng participants na binigyan namin ng mga materyales tulad ng kawayan, tali, drum na may takip para lumutang. Nag-unahan ang mga grupo na gumawa ng raft at pumunta sa laot para iligtas ang reyna. Subalit sobra ang liit ng raft nila para mailigtas ang reyna. Sa unang round, nabigo ang lahat ng grupo. Nagtalakayan kami kung ano ang solusyon sa problema. May nagmungkahi na dapat ay magkaisa ang limang grupo, pagsama-samahin ang mga materyales para makagawa ng mas malaking raft. Nang magkaisa sila, saka pa lamang sila nagtagumpay na mailigtas ang reyna. Ang aral: “Kung tulong-tulong, mas mabilis ang pagsulong.”
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T. Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
977674 583854Echt tolle Seite. Rubbish bin eigentlich nur per Zufall hier gelandet, aber ich bin jetzt schon complete von der tremendous Seite beeindruckt. Gratuliere dazu!! Viel Erfolg noch durch der sehr guten Home-page mein Freund. 690386
389548 318568Great post, I conceive blog owners ought to acquire a good deal from this web weblog its real user pleasant. 353292
953184 855324I was reading some of your content on this website and I think this internet website is actually informative! Keep putting up. 8455