KUMUHA ako ng dalawang taong leave of absence mula sa UP para magtrabaho bilang Training and Development Manager ng isang kompanya sa pharmaceutical industry. Binigyan ako ng malaking kuwarto at isang bagong sasakyan. Masayang-masaya ako sa “breakthrough” na ginawa ng Diyos para sa akin.
Sa kabila nito, nadismaya ako sa attitude ng masamang sindikato sa aming paaralan sa UP. Bakit nila ako inuusig? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila? Ang pinuno ng masamang sindikato ay tinulungan ko pa nga. Noon kasi ay Senior Researcher ang posisyon niya at sinabi niya sa akin, “Mabuti ka pa. Guro ka na.” Inaliw ko siya, “Huwag kang mag-alala. Magiging guro ka rin.”
Nag-petition siya sa UP na gawin siyang guro. Humingi siya ng mga lagda ng mga guro para suportahan siya. Ako ang isa sa pinakaunang lumagda sa petition niya para gawin siyang guro. Sa kabila ng pagsuporta ko, nagtanim pa rin siya ng lihim na galit sa akin. Kataka-taka! Para siyang walang utang na loob. Sinabi ng mga kaibigan ko na naiinggit daw sa akin ang mga miyembro ng sindikato. Napagtanto kong sadyang ganoon pala ang buhay — kapag magtatagumpay ka, may maiinggit at magagalit sa iyo.
Kaya habang masaya ako sa bago kong trabaho sa Makati, may dala rin akong kalungkutan at pagtataka kung bakit may mga kaaway ako kahit na wala naman akong kasalanan. Sa pagbabasa ko ng Bibliya para humanap ng kaaliwan, nangusap ang Diyos sa akin sa mga talata sa Awit 37:1-4:
“Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.” Nang huminto akong magturo sa UP, nag-rally ang mga estudyante at sumigaw sila, “Ibalik si Resurreccion!” Sinabi ng ilang kaibigan ko, “Rex, nagkakagulo na rito. Ipinagtatanggol ka ng mga estudyante.”
‘Di nagtagal, dumating ang nakasisindak na paghihiganti ng Diyos. Ang komunistang dekano ng aming paaralan ay nagkasakit sa spinal cord. Bigla na lang siyang parang nangingisay dahil sa sakit. Nagbitiw siya bilang dekano. Ang pinuno ng Research Department ay pinagalitan ng Presidente ng UP at sinabihan siya, “Wala kang alam! Hindi ka karapat-dapat maging guro ng UP. Mag-resign ka na.” Dahil sa malaking kahihiyan, nagbitiw siya sa puwesto at nangibang bansa na lamang. Ang pinuno ng sindikato — iyong taong tinulungan ko subalit wala siyang utang na loob — ay naging dekano sa maikling panahon at nasangkot sa graft and corruption. Nagkaisa ang mga guro at sinampahan siya ng kaso sa UP. Napatunayang nagkasala siya. Tinanggal siya ng UP bilang guro at sinabihang hindi-hindi na siya puwedeng magtrabahong muli sa Unibersidad. Nagtayo na lang siya ng tindahan, subalit nasunog ito ng dalawang beses at nawala ang kanyang kapital. Sunod-sunod ang sumpang dumating sa kanya. Naalala ko ang sinabi ng Diyos sa Bibliya:
Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa, ang kapahamakan sa buhay ay ‘di mawawala.(Kawikaan 17:13)
Samantala, sa biyaya ng Diyos, patuloy ang pagtatagumpay ko sa trabaho. Naging aktibo ako sa Personnel Management Association of the Philippines (PMAP), Drug Industry Group (DIG) at Philippine Society for Training and Development (PSTD). Inimbitahan akong maging guro sa maraming programa at nagkaroon ako ng maraming dagdag-kita. Um-attend ako sa Dale Carnegie Course at naging Presidente ako ng MBA Toastmasters Club.
Inimbitahan ako ng Dale Carnegie Institute na maging guro nila. Dumami rin ang mga anak ko — naging apat sila. Lahat sila ay magaganda at matatalino. Ang misis ko ay kinuhang Trainer-Consultant ng mga Aleman para magturo ng Entrepreneurship sa iba’t ibang bansa sa mundo; malaki ang kinita niya.
Bukod sa trabaho sa kompanya, pinagturo rin ako sa Dela Salle University-College of St. Benilde (DLSU-CSB) ng mga kursong Management Psychology, Entrepreneurship, Integrative Learning, Human Resources Development, at iba pa. Mas malaki ang bayad ng La Salle kaysa UP.
Inirekomenda ng Department of Trade and Industry-Center for Labor Relations Assistance (DTI-CLARA) na maisama ako sa grupo ng 10 Filipinong ipinadala sa Singapore para mag-aral ng ”Quality and Productivity Improvement in the Private Sector.” Dito natutunan ko ang sekreto ng kahusayan ng mga Japon. Ubod sila ng sipag at nagnanasa sila ng kahusayan at ‘zero-defect’ o kawalan ng kamalian. Ang pilosopiya nila ay tinatawag na Kaizen, na ang ibig sabihin ay “pagnanasa ng tuloy-tuloy na pagbabago.” Pinupuri ko ang Diyos dahil sunod-sunod ang pagpapala Niya sa akin. Habang pinaghigantihan niya ang mga masasamang umusig sa akin nang walang kadahilanan, patong-patong naman ang pagpapalang binigay niya sa akin.
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
490392 44012Woh I like your articles , saved to fav! . 356450
216262 932709Oh my goodness! a great post dude. Thanks a good deal Nevertheless I will likely be experiencing trouble with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Is there everyone acquiring identical rss problem? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 865399
935128 976426I consider something truly interesting about your internet site so I saved to fav. 700575
441373 372860great work Excellent weblog here! Also your web site a whole lot up fast! What web host are you the usage of? Can I get your associate link on your host? I want my website loaded up as fast as yours lol 355770
580335 635244I havent checked in here for some time as I thought it was acquiring boring, but the last few posts are wonderful quality so I guess Ill add you back to my everyday bloglist. You deserve it my friend 711974