PARA YUMAMAN, LUBUSIN ANG PAGMAMALASAKIT SA IYONG KOMPANYA

Heto Yumayaman

SIYEMPRE ay mas maganda kung nagkakaisa anglahat ng tao sa kompanya.  “Kung sama-sama, kayang-kaya (Pres. Fidel Ramos).” Nagkaroon ng unyon ang aming-kompanya.  Ang unyon ay nagrerepresenta sa interesng mga manggagawa, lalo na sa larangan ng pasuweldo at mga benepisyo.  Ayon sa Saligang Batas ng Filipinas, karapatan ng mga empleyado ang magtayo ng unyon.  Ang problema nga lamang, sumanib ang aming unyon sa isang militanteng labor federation na may political agenda at lagpas na sa normal na interes ng mga manggagawa.  Naimpluwensiyahan ang presidente ng unyon na maging agresibo, palaban, at lagpas na sa resonable ang hinihingi.  Sa Filipinas, kung may collective bargaining negotiation, may ilang militanteng unyon na hindi  marunong humingi o makiusap. Ang ginagawa nila ay nagdedemanda at nananakot kapag hindi ibinigay ang gusto nila.  Pagwewelga ang pananakot nila.

Pinupuwersa at bina-blackmail nila ang kompanya.  May panganib na mamatay ang propesyonalismo at mabuting ugnayan sa kompanya kapag ganito.  Parang isang spoiled na batang anak na nagdedemandang magkaroon ng kotse mula sa kanyang mga magulang, at kung hindi ibinigay sa kanya, mananakot iyong anak na magsasabi, “Sige, lalayas ako ng bahay.”  At kung ibinigay naman ang kahilingan, hindi siya marunong magpasalamat, at  ipagsasalandakan niyang “Karapatan ko ito.  Hindi ko kailangang tumanaw ng utang na loob.”  Hindi ko gusto ang ganitong klase ng ugnayan – ang binibigyang-diin ay puro “ang karapatan ko” at hindi “ang tungkulin ko.”  Sa palagay ko, ang mga taong pinalakinang mabuti ng kanilang mga magulang ay marunong makiusap at magpasalamat at hindi nagdedemanda at nananakot.

Nagkataon naman na ang dati kong opisina sa Unibersidad ng Pilipinas ay nagturo ng tinatawag na “Labor-Management Cooperation (LMC)” o pagtutulungan ng mga manggagawa at tagapangasiwa.  Ang dati naming  dekano na si Jose Gatchalian at ako ang naging mga “champion” ng LMC sa Filipinas.  Dahil dito, nahilingan ako ng aking-kompanya na maging pinuno ng isang LMC committee.  Hindi na trabahong “training and development” ito, kaya lagpas na sa normal kong gawain ito, subalit wala akong pag-aatubiling pumayag na mamuno ng komite na ito dahil mahal ko ang aking kompanya.  Noong panahong malakas ang LMC namin, tumaas ang morale at motibasyon ng mga empleyado.  Nanabik silang makilahok at tumulong sa kompanya.

Pina-attend din ako ng boss ko ng isang “Targeted Selection Interview Seminar” at sabik akong lumahok dito.  Sa pamamagitan nito, natuto akong magpanayam ng mga aplikante at natumbok ko ang tunay na kakahayan at kahusayan nila sa trabaho.  Nalaman ko kung nambobola lang ang isang tao at nagkukunwaring magaling o tunay bang may kakayahan.  Nagsilbi akong interviewer para sa mga managerial position.  Nagamit ko rin ito para mapili kung sino ang manager na talagang karapat-dapat na maitaas ng puwesto.  Kalaban ng targeted selection system ang mga bolero at mapagkunwaring tao.  Ang dapat hanapin sa mga aplikante ay “competence” (kahusayan) at hindi ang bulaklak ng dila.  Maraming mga swindler ay mabulaklak ang dila subalit kung inempleyo mo na ay mga tamad at magnanakaw pala.

Ang pinakamahalagang “extra mile service” ko para sa kompanya ay ang pagtatayo ko ng isang Bible Study at pangangaral ng ebanghelyo ng kaligtasan ng Panginoong Jesu-Cristo.  Dahil ang posisyon ko ay Training and Development Manager, para sa akin, ang pinakamahalagang development na kailangan ng mga empleyado ay “spiritual development.”  Kailangan ng lahat ng tao ang makilala ang Diyos sa personal na paraan.  Ang Diyos ay maaaring maging tunay na Ama natin sa langit.  Si Jesus ay puwede nating maging personal na Panginoon at Tagapagligtas.  Maaari tayong magkaroon ng katiyakan ng kaligtasan.  Ang regalo ni Jesus na walang bayad ay Buhay na Walang Hanggan (Eternal Life) at Masaganang Buhay (Abundant Life).  Binisita ako ng isang misyonero na si Fred Castro sa aking opisina at inimbitahan niya akong dumalo sa isang retreat sa Antipolo na tinawag  na “Reaching Your World.”  Dito, naengganyo akong manindigan sa aking pananampalatayang Kristiyano at magbahagi ng mabuting balita ng kaligtasan.

Salamat sa Toastmasters Club na itinayo ko sa opisina, nalaman kona mga born-again Christian din pala sina Paeng Alvaran at Sally Garcia.  Naging mga kapartne ko sila para maitayo ang Bible Study group namin.  Dahil si Sally ay ang Executive Assistant ng Distribution Division, inalok niya ang meeting room ng kanyang dibisyon para maging lugar ng pagpupulong ng aming grupo.  Marami kaming naanyayahang dumalo. Ako ang tagapagturo ng mga aralin sa Bibliya.  Ipinahayag ko ang ebanghelyo at marami ang nanalangin para tanggapin si Jesus sa kanilang buhay.  Sa huling araw ng aking mga programa, ipinahayag ko sa mga participant ang ebanghelyo, at tumatayo ang lahat ng mga participant ko para tanggapin si Jesus.  May mga kalaban ng ebanghelyo na nagsumbong sa aking boss na itinuturo ko raw ang ebanghelyo at gusto nilang pigilan ako ng boss ko.  Minsan, um-attend ang boss ko at nakinig siya sa paghahayag ko ng ebanghelyo.  Lumapit siya sa akin pagkatapos at sinabi, “Rex, may nagsumbong sa akin na itinuturo mo raw ang ebanghelyo sa mga programa mo.  Ngayong narinig  ko at napatunayang totoo, gusto kong sabihin sa iyo na OK lang sa akin na gawin mo ito para sa kapakanan ng ating mga empleyado.”

Purihin ang Diyos!  Napakalawak ng pag-iisip ng aking boss. (Sundan ang susunod na kuwento).

Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.



Maaari ninyong mapakinggan si T. Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.

 

4 thoughts on “PARA YUMAMAN, LUBUSIN ANG PAGMAMALASAKIT SA IYONG KOMPANYA”

  1. 416151 77468Its like you read my mind! You appear to know a lot about this, like you wrote the book in it or something. I feel that you could do with some pics to drive the message home a bit, but other than that, this is amazing blog. An excellent read. Ill certainly be back. 485107

Leave a Reply

Your email address will not be published.