NAGING matagumpay ang “Values Cascade Program” na ipinatupad ko sa kompanya ni Emmy, ang bise-presidente ng Human Resources Development ng isang telecom company.
Tuwang-tuwa ang presidente dahil talagang nagbago ang attitude ng mga empleyado at nagkaroon sila ng kahusayan sa trabaho. Dahil sa ganda ng resulta ng programa, pinagdisenyo naman ako ni Emmy ng isa pang programa na naglayong gawing isip-negosyante ang mga empleyado. Tinawag namin ni Emmy ang programang ito na “Intrapreneurship Program.” Magandang karugtong ito ng naunang “Values Cascade Program.”
Ang pakay ng programang ito ay ang ilabas ang pagmamalasakit ng mga empleyado para sa kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Ang kaibahan kasi ng mga negosyanteng may-ari sa mga empleyado ay ito: ang negosyante ay may grabeng pagmamalasakit para sa tagumpay ng kompanya dahil kapital niya ay ipinuhunan para itayo at patakbuhin ito. Labis-labis ang pagnanasa niyang maging matatag at kumita ito. Samantala, ang karaniwang empleyado ay may mahinang pagmamalasakit para sa kompanya dahil hindi naman siya ang may-ari nito; ang gusto lang niya ay tumanggap ng buwanang suweldo. Kumita man o hindi ang kompanya ay balewala sa kanya dahil hindi naman siya ang namuhunan dito. Kung magigipit, mababangkarote o magsasara ang kompanya, ayos lang sa kanya iyon; lilipat na lang siya sa ibang kompanya.
Subalit mayroong mga kakaiba at hindi pangkaraniwang empleyadong bagama’t hindi sila ang may-ari ng kompanya, ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa kompanyang pinagtatrabahuhan ay kagaya ng sa may-ari. Kung nagigipit ang kompanya, nagdadalamhati sila. Kung nagtatagumpay at kumikita ang kompanya, nagdiriwang sila. Gabi-gabi ay ipinapanalangin nila ang tagumpay ng kompanya. Bagama’t hindi nila trabaho ang magbenta ng produkto ng kompanya (dahil gawain iyon ng mga ahente o sales people), subalit sa lahat ng pagkakataon, ibinebenta rin nila ang kompanya sa ibang tao. Lagi silang nag-iisip kung paanong makatitipid ang kompanya. Tinitiyak nilang walang tubig na tumutulo at nasasayang, at walang ilaw na nakabukas kapag wala namang tao sa kuwarto. Sila mismo ay naiinis sa ibang empleyadong nagtatamad at nagpapabandying-bandying. Pinagsasabihan nila ang mga kapwa empleyado na nagpapabaya sa trabaho. Ang mga mahuhusay na empleyadong ito ang tinatawag na intrapreneur. Sila ay parang mga “jackpot employee.” Mapalad ang kompanyang may maraming intrapraneur. Kayamanan sila ng kompanya.
Ang salitang intrapreneur ay halos kasintunog ng salitang entrepreneur. Magkatulad ang kanilang kilos. Ang entrepreneur o negosyante ay naghahanap ng oportunidad, nakikpagsaparalaran, at nagtatayo ng mga kompanya. Ang intrapreneur naman ay isang empleyadong suwelduhan subalit siya man ay mapaghanap ng oportunidad, nakikipagsapalaran at lumilikha ng mga makabagong proyekto o produkto para sa kapakanan ng kompanya. Mga intrapreneur ang hinahanap at gusto ng mga negosyanteng arkilahin dahil kapag mayroon nito, dumadali ang trabaho ng may-ari. Kahit na nasa malayong lugar ang may-ari at nakikipag-usap sa mga malalaking kliyente, panatag ang loob niya na walang masamang mangyayari sa kanyang kompanya, basta ang namamahala sa kompanya ay ang empleyadong intrapreneur. Masarap itaas sa puwesto ang mga intrapreneur sapagkat magiging mabubuting halimbawa sila sa iba pang empleyado. Sila ay “inspiring” at kahnga-hanga. Para silang mga “loyal knights” na handang maghandog ng buhay para sa kapakanan ng may-aring pinaglilingkuran.
Ang Intrapreneurship Program na pinatakbo ko para kay Emmy ay para sa labinlimang grupo ng mga kalahok. Ang ginamit kong metodo sa pagtuturo ay structured learning exercises (o larong pangnegosyo). Ang unang bahagi ng programa ay tinawag naming “Isip-Intrapreneur.” Nag-imbento ako ng “Telecom Game,” kung saan hinati ko ang mga kalahok sa iba’t ibang kompanya. Nagkumpetensiya sila sa pagtatayo ng matibay na tore at sa paghanap ng mga customer. Nag-unahan silang madiskubre na dapat ay konektado ang kanilang tore sa power plant. Ang nauna ay siyang nagkaroon ng eksklusibong karapatan sa power plant. Ang mga nahuli ay walang poder ang kanilang kompanya kaya walang silbi ang linya ng telepono na kinabit sa customer. Kailangang gamitan ng problem-solving at negotiation skills para malutas ang kanilang problema.
Ang pangalawang bahagi ng programa ay pag-imbento ng mga innovative at “futuristic” na mga produkto. May panel ng mga hukom na nagpasya kung sino ang kumpanyang nakaimbento ng pinaka-makabago at praktikal na produkto. Ang pangatlong bahagi ay Marketing. Nagparamihan sila ng mga paraan kung paano patataasin ang benta ng kompanya sa malinis na paraan. Ang huling bahagi ay ang pagtayo ng kompanya kung saan dapat silang magpasya kung magkano ang ipupuhunan nila sa advertisement, at magkano ang ipapasuweldo sa tao (kung mababa ang pasuweldo nila, bababa ang productivity ng mga empleyado at maaaring malugi sila).
Dapat din sila mag-imbento ng produkto at magpasya kung magkano ang “selling price” nila. Ang benta nila ay nakadepende sa advertisement investment at selling price nila. Sa pamamagitan ng programang ito, tumaas ang antas ng pagmamalasakit ng mga empleyado para sa kanilang kompanya.
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
538040 525412This really is a nice blog i should say, normally i don????t post comments on other people???? blogs but would like to say that this post really forced me to do so! 617206
462117 235853I also recommend HubPages itself, and Squidoo, which is similar. 900797
331946 131003If you are viewing come up with alter in most of the living, starting point usually L . a . Weight reduction cutting down on calories platform are a wide stair as part of your attaining that most agenda. weight loss 216276
3313 917129When I came more than to this post I can only appear at part of it, is this my net browser or the internet site? Ought to I reboot? 921049
305309 759369Hi. Cool post. Theres a problem with the website in chrome, and you may want to check this The browser could be the marketplace chief and a big component of other folks will miss your outstanding writing due to this difficulty. I like your Post and I am recommend it for a Site Award. 809626
311261 70652Generally I dont learn post on blogs, nevertheless I wish to say that this write-up extremely pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite excellent article. 501125
541758 355882Extremely good post. I just stumbled upon your weblog and wanted to say that Ive truly enjoyed surfing around your blog posts. Following all I will likely be subscribing to your feed and I hope you write again extremely soon! 119131