“MAAARING mayroon kang mga mahuhusay na kaisipan, ngunit kung hindi mo naman kayang maipaliwanag ito nang mabuti, wala ring mangyayari sa mga mahuhusay mong kaisipan.” (Lee Iaccocca).
Sayang naman kung napakatalino mo at napakatalas ng mga kaisipan mo, subalit hindi ka naman magaling na communicator, wala ring silbi ang katalinuhan mo.
Napaka-basic na kakayahan ang komunikasyon. Subalit maraming tao ang hindi nagbigay ng sigasig upang malinang sa kanila ang kakayahang ito. Ang mga taong mabubuti at may malinis na puso ang siya sanang dapat maging mahusay mangusap at magpaliwanag sa mga tao para kumalat ang mabubuting asal na magpapaunlad sa lipunan. Ang masaklap ay kung ang mga masasamang tao ang mahuhusay magsalita at ang mga matutuwid na tao ay mga kimi. ‘Pag nagkaganito, magiging magulo ang buhay sa lipunan at lalaganap ang kasamaan at karalitaan.
Sinabi ni James Keller, “Karamihan sa mga trahedya ng ating panahon ay hindi dahil sa kapangyarihan ng mga manggagawa ng kasamaan, kundi dahil sa kakulangan ng mga taong may mabubuting kalooban na magpalaganap ng kanilang impluwensiya. Ang mga taong nagtatago lang sa loob nila ng kanilang mga mabubuting kaisipan ay hindi lang dumadaya sa napakaraming tao, kundi pinapahintulutan nilang ang mga kaganapan sa buhay ay mahulog sa kamay ng mga taong hindi karapat-dapat.”
Kung sino ang mga masasama ay sila pa ang mga malalakas ang loob at magaling mag-impluwensiya sa ibang tao. Ang mga mabubuting tao ay parang mga mahiyain at natatakot mangusap. Ang resulta nito ay ang paglaganap ng kasamaan, kaguluhan at karalitaan. Dahil magaling mangusap ang mga masasamang tao, sila ang nalalagay sa matataas na puwesto sa lipunan at sila rin ang yumayaman. Ang kayamanan nila ay madalas maruruming kayamanan. Dahil masasama sila, nang-aapi sila sa mga mapagkumbaba, inosente at mahihirap. Huwag nating hayaang mangyari ito.
Dapat ay kakampi ng gobyerno ang mga gumagawa ng mabuti. Dapat parusahan ng pamahalaan ang manggagawa ng kasamaan, at gantimpalaan ang mga matutuwid na tao. Dapat ay ilagay ng gobyerno sa puwesto ng impluwensiya ang mga taong may malinis na hangarin at mabubuting layunin sa lipunan. Dapat ay bigyan ng gobyerno ng boses ang mga mabubuting tao at patahimikin ang mga kriminal.
Samantala, tayong mga tapat na mamamayan ng Bayang Filipinas ang dapat mag-ibayo ng ating kakayahang umakay sa ibang tao tungo sa daan ng katuwiran at kaunlaran. Hasain natin ang ating abilidad na mangusap at magpaliwanag sa taumbayan. Ito ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang imbitasyon ng diyaryong PILIPINO Mirror na maging regular na manunulat nila. Gusto kong mahasa ang kakayahan kong sumulat at magpalaganap ng mga maka-Diyos na katuruan. Maganda ang adbokasiya ng PILIPINO Mirror; sila ang unang tabloid sa negosyo. Naniniwala ako sa kanilang adhikain. Sang-ayon akong dapat dumami ang mga Filipinong marunong magnegosyo. Negosyo ang malinis na paraan ng pagyaman. Kapag dumami ang mga negosyo sa Filipinas, uunlad ito.
Sa isang demokrasya gaya ng bansang Filipinas, ang natatanging pinapayagang paraan ng pagyaman ay pagnenegosyo. Ang ibang paraan ng pagyaman, bukod sa pagnenegosyo, ay kadalasang illegal – pagnanakaw, pangungurakot, smuggling, droga, prostitusyon, swindling, estafa, atbp. May mga taong gustong-gustong yumaman pero hindi naman marunong magnegosyo, kaya natutukso silang gumawa ng krimen.
Ang mga diyaryong gaya ng PILIPINO Mirror ay isang epektibong kasangkapan para magpalaganap ng mabubuting kaisipan. Sana ay dumami pa ang mga mambabasa ng diyaryong ito. Ang iba pang paraan ng komunikasyon ay telebisyon, radyo, pelikula at social media. Sana ay mga mabubuting tao ang gumamit ng mga pamamaraang ito para maipahayag at mapalaganap ang katotohanan, katuwiran at kaunlaran.
At ang pinakamagandang kaisipang dapat ipangaral sa sangkatauhan ay ang mga katuruan ng Panginoong Jesus. Ang binigyan niya ng diin sa kanyang pagtuturo ay ito: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” (Mateo 22:37-40) Ito rin ang gusto kong palaganapin sa aking pagtuturo.
Kung lahat tayo ay magiging mahuhusay na tagapagsalita at mangangaral ng mga mabubuting kaisipan, tataas ang antas ng kaayusan at kaunlaran sa ating bayan. Sabay-sabay tayong yayaman.
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
73000 240882Hello! Nice post! Please do keep us posted when we can see a follow up! 215788
380779 383305just couldnt leave your web web site before suggesting that I really loved the regular info a person offer for your visitors? Is gonna be once again ceaselessly to check up on new posts 120444
952319 602971Fantastic humans speeches and toasts, possibly toasts. are hands down transferred at some time by means of party and expected to turn into extremely funny, amusing not to mention educational inside the mean time. very best man wedding speeches 841394
219632 391541An intriguing discussion is worth comment. Im confident that you simply write regarding this topic, might possibly not be considered a taboo topic but typically persons are too small to communicate on such topics. To yet another. Cheers 646528
309458 866801Woh I like your articles , saved to fav! . 125537