PARA YUMAMAN, MAGKAROON NG TULUNGANG-PAMAYANAN

rene resurrection

NOONG January 1982, sa edad na 25, gusto ko nang mag-asawa, subalit wala pa akong kakayahang bumuhay sa aking magiging asawa.  Ang nobya ko ay ang ka-opisina ko sa UP-Institute for Small Scale Industries.  Isa lang akong Research Assistant na may suweldong P702 kada buwan.  Nakikitira lang ako sa tahanan ng aking ama.  Nanalangin ako sa Diyos na tulungan akong magkaroon ng kakayahang bumuhay sa aking magiging asawa.  Pagdating ng June 1982, sunod-sunod ang pagpapalang bumuhos sa akin.  Nagkaroon ako ng tahanang BLISS noong June 1982.  Pagdating ng January 1983, naging guro ako ng Pamantasan ng Pilipinas at lumaki ang suweldo at dignidad ko.  Dahil sa saksakan ako ng tipid, lumaki ang aking ipon.  May dalawa akong boarder na nangungupahan sa aking BLISS unit, at nakadagdag sa ipon ko ang kanilang ibinabayad na renta.  Pagdating ng June 1983, pinahiram ako ng tatay ko ng kanyang lumang Toyota Crown.  Sa aking pagtatantiya, handa na akong mag-asawa.  Nagpaalam ako sa aking nobya, at purihin ang Diyos, pumayag siyang magpakasal kami.

Noong Oktubre 1983, ipinaalam namin sa aming simbahang OB Christian Community Church ang aming kapasyahang magpakasal.  Nagpalakpakan sila at tuwang-tuwa kaming magkasintahan.  Ang napagkasunduan naming petsa ng kasal ay January 1, 1984.  Tulong-tulong kami ng buong simbahang paghandaan ang kasal.  Kinausap namin si Pastor Smidstra na isang mamamayang taga-Netherlands, at pumayag siyang mamuno sa aming kasal nang walang bayad!  Siya ay ang pamangkin ng aming kaibigan sa Netherlands na si Ann Molenaar.  Pumunta kami sa Church of the Risen Lord (CRL) sa UP at nagtanong kung puwede ba naming doon idaos ang aming kasal.  Pumayag sila at ang singil nila ay P400 lang.   Pumunta kaming magkasintahan sa Divisoria at nagulat kami na mayroong napakagandang damit pangkasal na nagkakahalaga lamang ng P300 at sapatos na P150.  Ang nanay ko ay ang may-ari ng negosyong Fanny’s Modes and Dress Shop at mahusay siyang manahi ng damit pangkasal.  Nag-alok siyang magtahi ng damit pangkasal para sa amin, subalit sinabi naming mayroon na kaming nabili sa Divisoria.  Nabalisa siya dahil inisip niya kung anong klaseng damit pangkasal ang mabibili namin sa halagang P300.  Ang kadalasang halaga ng isang talagang magandang damit pangkasal ay umaabot ng P20,000 noong panahong iyon.  Nakiusap siyang tingnan ang damit pangkasal ng aking kasintahan at nagulat ang nanay ko nang makitang napakaganda nito.  Hindi siya makapaniwala na P300 lang ang ganoong kagandang damit.

Ang aking bagong opisinang UP-Institute of Industrial Relations ay may-ari ng isang gusali na inuupahan ng restaurant na ang pangalan ay Perico Restaurant.  Puro capiz ang mga bintana at chandeliers ng restaurant; napaka-class tingnan ng restaurant na ito.  Nakiusap ako sa opisina ko kung puwedeng doon sa Perico Restaurant gawin ang reception ng aking kasal.  Gagamitin lang namin ang lugar, subalit kami ang bahalang maghanda at magdala ng pagkain.  Pumayag naman ang Perico Restaurant kahit na karaniwang sarado sila kapag January 1, New Year’s Day.  Kami ni misis ang namili ng mga sangkap ng pagkaing ihahanda sa reception. Ang mga kananayan ng aming simbahan ang magluluto.  Ang mga kabataan (Young People) naman ng simbahan namin ang mamamahala sa pagde-decorate ng CRL.  Tunay na tulungang-pamayanan ang nangyari.  Kaya napakaliit lang ng aming ginastos; hindi lalampas sa P10,000.  Ang karaniwang kasal noong panahong iyon ay umaabot sa hindi kukulangin sa P100,000.  Lahat ng gastusin ay nanggaling sa akin at sa kasintahan ko.  Hindi namin inabala ang aming mga magulang.  Manonood lang sila sa aming kasal.  Nag-imbita kami ng halos dalawang daang panauhin.

Noong Disyembre 1983, bumisita kami ng magulang ko sa tahanan ng kasintahan ko sa Lagro, Quezon City para makilala ng mga magulang ko ang mga magulang niya.  Nagkaroon kami ng tinatawag na “pamanhikan.”  Kasama rin namin ang isang ninong at ninang namin — ang mag-asawang taga-Australia na sina Dad at Mom Haberecht. Sila  ay  foster parents ng nobya ko nang mag-aral siya sa Albury, Australia.

Pagdating ng January 1, 1984, sa oras na 6:00 pm, idinaos ang aming kasal.  Napakaganda ng pagkaka-decorate ng Church of the Risen Lord.  Dahil New Year’s Day noon, may patuloy na tunog ng paputok, parang nakikisaya sa amin.  Lahat ng panauhin namin ay nagsabing parang fairy tale wedding ang aming kasal.  Akala nila ay napakalaki ng ginastos namin.  Hindi nila alam na napakamura lang dahil bunga iyon ng tulungang-pamayanan ng OB Christian Community Church.  Ang emcee ay ang aking nakababatang kapatid.  Ang pianist ay si Rory na matalik na kaibigan ng nobya ko.  May choir kami na umawit ng mga awiting pangkasal, at sila ay mga kapatid ko at Young People ng aming simbahan.

Maraming nagregalo dahil 200 ang aming mga panauhin.  Marami ring nagbigay ng cash gifts na ang kabuuan ay P20,000 samatalang ang kabuuang gastos namin ay hindi lalampas ng P10,000.  Hindi pala kailangang gumastos nang malaki para magkaroon ng fairy tale wedding.  Kailangan lang ay tulungang-pamayanan.

vvv

 (Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

2 thoughts on “PARA YUMAMAN, MAGKAROON NG TULUNGANG-PAMAYANAN”

  1. 339551 749886I discovered your blog site website on the search engines and check several of your early posts. Always preserve up the extremely very good operate. I recently additional increase Rss to my MSN News Reader. Searching for toward reading a lot more on your part later on! 834937

  2. 411562 559099Appropriate humans speeches must seat as nicely as memorialize about the groom and bride. Beginer sound system about rowdy locations ought to always not forget currently the glowing leadership of a speaking, which is ones boat. finest man speeches brother 34762

Comments are closed.