PARA YUMAMAN, PATULOY NA LUMAGPAS SA INAASAHAN NG KOMPANYA

Heto Yumayaman

GUSTO kong maramdaman ng nag-aarkila sa aking serbisyo na para silang naka-jackpot dahil ang paglilingkod ko ay todo bigay at lagpas sa kanilang inaasahan.  Pinupuri ko ang Diyos dahil siya ang nagturo sa akin ng prinsipyong ito.  Naniniwala ako na ito ang sekreto sa pagtatagumpay sa anumang hanapbuhay.

Napansin kong ang kompanya namin ay nag-aarkila pa ng mga mamahaling dayuhang consultant para mag-conduct ng mga motivational o inspirational na pananalita. Milyon ang ginagastos ng kompanya para maarkila ang mga taong ito.  Lagi akong naaanyayahan ng iba’t ibang dibisyon sa kom-panya para um-attend ng mga motivational talks na ito.  Ang pakiramdam ko ay parang nambobola lang ang mga tagapagsalita.  Parang kulang sila sa “substance” o  matatag na ebidensiya.  Sabi nga ng salawikaing Chino, “If you flatter anyone, who will be your enemy?” (Kung magaling kang mambola, sino ang magiging kaaway mo?) at “Bitter words are medicine, sweet words bring illness.” (Ang mapait na salita ay gamot, ang matamis na salita ay nag-bibigay sakit). Gusto ng maraming tao na bolahin sila o bilugin ang ulo nila.  Masarap makinig ng mga matatamis na salita.  Pero pinalalaki nito ang “blindspot” mo.  Nakukubli ang mga aspeto ng pag-uugali mo na dapat pag-ibayuhin.  Ang pakiramdam ko, parang nadadaya ang kompanya namin.  Nagbabayad siya sa mga taong nambibilog ng ulo.

Nagmamalasakit ako sa kompanya ko.  Matipid kasi ako.  Ayokong magsayang ng pera.  Kaya gusto ko, makatipid din ang kompanya.  Kaya ang ginawa ko, kinausap ko ang ilang mga bise-presidente ng aming kompanya at tinanong ko, “Sir, bakit kumukuha pa kayo ng mga mamahaling resource person para magbigay ng motivational talks, samantalang kaya naman ng ating  HRD department na gawin iyan para sa inyo nang libre?”  Ang tanong nila, “Bakit?  Kaya mo bang gawin ito?  Kaya mo bang mag-facilitate ng strategic planning?  Kaya mo bang mag-team building?”  Ang sagot ko, “Oo naman, sir!”  Ang sagot nila, “Ganoon ba?  Sige, ikaw na lang ang gumawa nito.”

Kaya dahil dito, kinuha nila akong “libreng resource person” para sa kanilang mga conventions.  Ang mga trabahong ito ay lagpas na sa aking job description.  Ginawa ko ito dahil nagmamalasakit ako sa kompanya.  Dahil din ito sa marami pa akong free time sa trabaho.  Ayokong mabakante.  Ayokong walang ginagawa.  Kaya lumikha ako ng mas maraming trabahong gagawin ko.  May ilang tao ang maaaring mag-isip at magsabi sa akin, “Para ka naming martir, Rex.  Bakit gagawa ka ng trabahong lagpas sa isinusuweldo sa iyo?”  Subalit masaya akong gawin ito.  Inaalay ko ang trabaho ko sa Diyos.  Siya ang talagang boss ko.   Naniniwala ako na kapag marami akong extra mile service, hindi ako pababayaan ng Diyos.  Pinalalaki ko ang comfort zone ko.  Pinalalawak ko ang mga kakayahan ko.  Naghahanda ako para sa aking kinabukasan.  Ang aking motto ay “Lahat ng ating ginagawa sa ngayon ay paghahanda lamang para sadarating na panahon.”

Gusto ng boss ko na buhaying muli ang naudlot na “Pharma News”.  Ito ay ang sariling diyaryo ng aming kompanya.  Importante ito para sa mabuting komunikasyon sa kompanya.  Gusto ng boss ko na magkaroon ng transparency sa aming kompanya.  Gusto rin niyang maipaalam sa lahat ng mga empleyado ang mga polisiya at programa ng HRD.  Sinubukan niyang mag-arkila ng isang Communications Manager para pangasiwaan ito.  Subalit nahirapan sila.  May nakuha siyang matalinong UP graduate.  May sariling diskarte at pag-iisip ang empleyado.  Subalit ang boss ko, may tendency na ayaw niyang sinasalungat ang mga ideya niya.  Gusto niya ng taong magpapatupad ng lahat ng gusto niya, walang labis, walang kulang.  Subalit ang nakuha niyang Communications Manager ay may sariling pag-iisip.  Ipinapahayag niya ang kanyang ideya kahit na salungat ito sa gusto ng boss namin.  Dahil dito, hindi siya pinagtagal ng boss ko.  Dahil sa pagkasiphayo ng boss kong makahanap ng “ideal” na Communications Manager, sinabi niya sa akin, “Rex, baka puwedeng ikaw na lang ang maging Editor-in Chief ng Pharma News.  Ang sagot ko naman, “Sige po, basta ipadala ninyo lang ako sa training kung paanong mangasiwa ng mga printed material.”

Dahil dito, uma-attend ako ng “Written Communications Program” na hatid ng People’s Management Association of the Philippines (PMAP).   Lumawak ang aking kaalaman.  Natuto ako ng dating hindi ko alam.  At ako nga ang nagsilbing Patnugot  ng aming diyaryo.  Ang boss ko ang “Adviser” at ako ang nakalathalang Editor-in-Chief.  Nagkaroon ako ng regular na column sa diyaryong iyon.  Naipahayag ko ang aking mga kaisipan at karunungan.  Dahil sa Toastmaster’s Club, naging mahusay akong tagapagsalita.  Dahil sa Pharma News, nagkaroon ako ng karanasang maging column writer.  Purihin ang Diyos.

Pagdating ng Disyembre, tumanggap ako ng malaking Christmas bonus.  Pagkakita sa akin ng Executive Secretary na namamahala sa mga suweldo at bonus ng mga manager, sinabi niya sa akin, “Rex, congratulations!  Isa ka sa tumanggap ng pinakamalaking bonus sa taong ito.”  Sinabi ko, “Nagulat nga po ako e.  Bakit po ganoon kalaki ang ibinigay sa akin?”  Sumagot siya, “Dahil sa marami mong extra mile services sa kompanya.”  (Sundan ang susunod na kuwento).

Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.



Maaari ninyong mapakinggan si TRex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.

7 thoughts on “PARA YUMAMAN, PATULOY NA LUMAGPAS SA INAASAHAN NG KOMPANYA”

  1. 213167 781841There several intriguing points more than time here but I dont know if I see them all center to heart. There exists some validity but Let me take hold opinion until I look into it further. Extremely good post , thanks and now we want much more! Included with FeedBurner at the same time 410383

  2. 707369 702714Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and found that it is truly informative. Ill be grateful in the event you continue this in future. Lots of folks will benefit from your writing. Cheers! 566004

  3. 355025 838726Generally I dont learn post on blogs, even so I wish to say that this write-up extremely pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite wonderful post. 342311

  4. 510193 533810Possible need all types of led tourdates with some other fancy car applications. Numerous also give historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 643192

  5. 483006 781377hello!,I truly like your writing really a whole lot! percentage we maintain up a correspondence extra about your post on AOL? I need an expert on this location to unravel my dilemma. Could be that is you! Taking a look forward to peer you. 140607

Leave a Reply

Your email address will not be published.