PARA YUMAMAN, RESPETUHIN MO ANG KLIYENTE MO

Heto Yumayaman

GUSTONG-GUSTO kong magturo sa mga estudyante ng UP.  Nadiskubre ko na ang sikreto para maging mahusay na guro ay dapat mahal mo ang ginagawa mo at respetuhin mo ang mga estudyante mo.

Kung mahal mo sila, magiging todo-bigay ka sa pagtuturo mo.  Gusto mong marami silang matutunan at masaya sila sa estilo ng pagtuturo mo.  Dahil hinusayan ko ang aking pagtuturo, sabik ang aking mga mag-aaral at todo bigay rin sila sa kanilang pakikilahok sa klase at sa mga proyekto nila.  Dahil nagiging mahusay sila, siyempre mataas ang gradong ibinibigay ko sa marami sa kanila.

Kung sino ang pinakamahusay, siyang tumatanggap ng mataas na grado.  Kung ang sinuman ay walang gana sa pag-aaral at ‘di mahusay ang class reports at projects, siyempre mababa ang gradong ibinibigay ko.

Ang basehan ng aking pagbibigay grado ay ang attitude, skills and knowledge (ASK) ng mga mag-aaral.  Ang attitude ay sinukat ko sa kanilang pag-attend ng aking klase, pagiging maaga sa pagpasok, at pagiging masigla at todo-bigay sa paglahok sa klase.  Ang skills ay sinukat ko sa pamamagitan ng kahusayan ng kanilang pagbigay ng class report at ang kalidad ng kanilang dinesenyong training plan.  Ang knowledge ay sinukat ko sa pamamagitan ng kanilang final exam.  Ang mahusay sa pagpapamalas ng kanyang attitude, skills and knowledge ay binibigyan ko ng gradong 1.0; iyan ang pinakamataas na grado sa UP.  Dahil sa aking sistema, buong gilas ang paglahok ng aking mga estudyante.  Sa katapusan ng semestre, ang mga estudyante naman ang inaatasan ng unibersidad na magbigay ng ebalwasyon ng mga guro.  Nakatutuwa naman na ako ang isa sa pinakamataas ang ebalwasyon ng mga estudyante sa buong unibersidad.

Nakapagtataka dahil akala ko matutuwa ang lahat ng mga tao sa mataas na ebalwasyong ibinibigay ng mga estudyante sa akin.  Oo, natuwa ang dekano at ang Chair ng Graduate Studies Program.  Subalit may ilang kapwa-guro na nainis sa akin.  May isang nagparatang na nakikipag-popularity contest lang daw ako! Ano ba ang pakialam ko sa popularity contest?  Masama bang maging todo-bigay sa pagtuturo.  Masama bang maging masigla at masayahin sa gawain ko?  Pinayuhan ako ng kaibigan kong si Julie Casel at ang matandang Professor Calica, “Pagpasensiyahan mo na lang sila.  Naiinggit kasi e.  May kasabihan, binabato ang punong mangga na maraming bunga.”

May ilang guro na dahil sa mababa ang ebalwasyon sa kanila ay nagagalit sa mga estudyante.  Dahil dito, nagpaka-terror teacher sila.  Umasta silang matatapang.  Ayaw nilang tinatanong sila ng mga estudyante.  Ayaw nilang may salungat na kaisipan ang mga mag-aaral.  Walang katorya-torya ang kanilang pagtuturo.  Lecture lang sila nang lecture.  Walang sigla, walang kabuhay-buhay, walang kakaibang metodolohiya.  Hindi nila pinaghahandaan ang kanilang exam questions.

Magtatanong sila ng pagkahirap-hirap na tanong na halos imposibleng sagutin ng sinuman.  ‘Pag ang sagot ng estudyante ay naiiba sa opinyon ng guro, bibigyan niya ng gradong “bagsak” ang kawawang estudyante.

Minsan, sa isang faculty meeting, tinanong ko ang isang guro kung bakit ganoon ang paraan niya; parang hindi makatarungan sa mga estudyante.  Naging defensive iyong guro.  Tinawag ako ng dekano at kinausap nang sarilinan at sinabi sa akin, “Rex, may academic freedom sa ating paaralan.  Hindi mo puwedeng kuwestiyunin ang metodo ng sinumang guro.”  Dahil dito, tumahimik na lang ako at tiniis ang ‘di makatarungang pagtrato sa estudyante.  Nag-drop out ang estudyante.

Kumalat ang balita sa buong unibersidad tungkol sa aking kakaibang pamamaraan.  Dahil dito, maraming mga estudyante na nagmumula sa ibang unit ng pamantasan ang nag-enroll sa aking klase.  Dahil Master’s level ang aming programa, nililimitahan sa bilang na 15 ang pinakamaraming estudyanteng puwedeng tanggapin sa klase.

Subalit 30 estudyante ang gustong mag-enroll sa klase ko.  Samantala, may mga guro na ang nag-eenroll sa kanila ay apat o lima.  May ilang terror teacher na nagsabwatan.  Sa enrollment period, isusulat ang pangalan ko bilang “possible” na guro sa ilang klase.  Marami ngayon ang mag-eenroll sa klaseng iyon.  Pagbukas ng semestre, magugulantang ang mga estudyante nang malamang hindi pala ako ang guro.  At ang klase ko na may 30 enrollees ay hahatiin sa dalawa, at ibibigay sa ibang guro ang kalahati.  Dismayadong-dismayado ang ilang estudyante.  May ilang nakikiusap sa aking tanggapin sila sa klase ko.  Sinabi nilang kaya raw sila nag-enroll sa klaseng iyon ay dahil akala nila ako ang magtuturo.  Wala akong magawa dahil hindi ako ang nagpapasiya sa pagtatakda ng mga guro.  May ilang nag-drop sa klase nila at mag-eenroll sa susunod na semestre basta ako ang maging guro.  Ito ang nadiskubre kong sikreto sa pagiging mabuting guro —  mahalin at respetuhin mo ang mga estudyante mo.  Sila ang kliyente ng mga guro sa paaralan.

Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.

(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe.  Salamat.)

22 thoughts on “PARA YUMAMAN, RESPETUHIN MO ANG KLIYENTE MO”

  1. 301154 258556Highest quality fella toasts, or toasts. will most surely be given birth to product or service ? from the party therefore supposed to become surprising, humorous coupled with enlightening likewise. best man speaches 532994

  2. 539893 291063hey there i stumbled upon your internet site looking around the internet. I wanted to tell you I enjoy the appear of points around here. Keep it up will bookmark for confident. 283119

Comments are closed.