NOONG 1982, mayroong Ministry of Human Settlements (MHS) sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ang sangay ng gobyerno na namamahala sa mga pabahay. Nakiusap ang administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa MHS na magtayo ng mga BLISS unit sa lupa ng UP para gawing pabahay ng mga guro ng pamantasan.
Nagtayo ng maraming gusali na nahati sa dalawang phases. Bawat phase ay may mahigit 10 gusali. Bawat gusali ay may apat na palapag. Bawat palapag ay may apat na condo unit. Bawat condo unit ay may 54 square meters na espasyo. May bathroom at inodoro. May kitchen area. At may laundry area. Napakaraming condo units ito. Pinagawa ng UP and mga ito para sa kapakanan ng mga guro. Subalit masyadong maarte at mareklamo sila. Nang buksan na ng MHS ang mga units para sa application ng mga guro, nagsabwatan sila, “Walang kukuha ng unit hanggang hindi pa nila nalulutas ang mga problemang nakita natin — wala pang koryente, wala pang tubig, walang perimeter wall, walang security guard, at iba pa.”
Sinabi ng MHS na ibibigay lahat ang mga kahilingang ito sa oras na tumira na ang mga guro roon. Subalit nagmatigas ang mga guro. Sa pagkakunsumi ng MHS dahil walang gurong nag-apply sa kabila na tapos na ang mga gusali, naisipan nilang buksan ang application sa mga non-teaching staff o admin staff. Noong panahong iyon, ako ay isa lamang Research Assistant at hindi ako dapat qualified tumanggap ng unit. Subalit gusto ko talaga makaroon ng sariling tirahan dahil nahihirapan ako sa sitwasyon sa bahay ng aking mga magulang. Kaya nang ibinalita sa UP na puwede raw kaming mga non-teaching staff na mag-apply, agad-agad akong pumunta sa opisina ng pabahay sa UP. Nagkaroon ng seminar ang MHS tungkol sa mga patakaran ng BLISS. Ako ang isa sa pinaka-unang kumuha ng unit. Ang pinili ko at ibinigay sa akin ay ang Unit 111. Ang ibig sabihin ng bilang na ito ay ako ang titira sa Building 1, First floor, Unit 1 sa Phase 1.
Ang ganda ng unit na nakuha ko. Nasa kanto siya at nakaharap siya sa isang malawak na tanawin. Walang gusaling nakabara sa aking tanawin. Maaliwalas at mahangin siya.
Pagkakuha ko ng unit, kinabitan agad ako ng koryente at tubig. Dahil nasa first floor ako, ang lakas ng pressure ng tubig ko. Ang saya-saya ko. Mayroon akong sister-in-law na katatapos pa lang ng pag-aaral ng architecture sa UP. Tinulungan niya ako. Dinisenyo niya ang bahay ko at nagkaroon ako ng tatlong kuwartong tulugan, maluwag na sala, lugar ng kainan, at kusina. Pinili kong tumira sa pinakamaliit na kuwarto. Ang dalawang malaking kuwarto ay nireserba ko para paupahan sa mga student boarder para may kita ako. Ilang buwang nakatira akong mag-isa. Bumili ako ng magandang sala set mula sa COD department store — isang sofa, dalawang upuan at isang mababang mesa. Bumili ako ng Hitachi refrigerator para maging imbakan ng aking mga pagkain. Mayroon din akong electric stove.
Bumili ako ng Interlinear Hebrew-Greek-English Bible. Tuwing gabi, nakikipagniig ako sa Diyos. Napakasaya at napakatamis ng aking relasyon sa Diyos. Ang pakiramdam ko ay ang lapit-lapit Niya sa akin. Dahil sa kababasa ko ng aking Interlinear Bible, natuto ako ng wikang Hebreo at Griego. Noong panahong iyon, ako ang Bible Study leader ng mga ka-bataang iskwater ng Barangay Old Balara. Inimbitahan ko sila sa aking BLISS unit para magkaroon kami ng teambuilding, brotherhood, bible study fellowship at iba pang samahan.
Wala pa akong kotse noon. Mula sa opisina, sumasakay ako ng tricycle papunta ng aking BLISS unit. May nakasakay akong isang Kristiyanong nag-oopisina sa Philippine National Oil Corporation (PNOC). Nabanggit ko sa kanya na nakatira ako sa BLISS unit at tumatanggap ako ng mga boarder. Interesado siya na maging boarder ko. At sinabi niya na may kakilala siyang isa pang Kristiyano na naghahanap din ng tirahan. Inimbitahan kong sa BLISS unit ko na lang sila tumira. Ang ibabayad nila sa akin ay P150 kada buwan bawat tao (malaking halaga na ito noong panahong iyon). Kaya naging boarder ko ang dalawang Kristiyanong nag-oopisina – si Joey na nagtatrabaho sa PNOC at si Attorney Dennis.
Ang bayad nila ay P300 sa bawat buwan. Ang binabayad kong monthly amortization sa MHS ay P200 kada buwan. Mayroon pa akong P100 na pambili ng aking pagkain. Sa pagpapala ng Diyos, tumira ako sa BLISS unit ko ng ilang taon nang walang kaltas sa aking suweldo dahil ang mga boarder ko ang nagbabayad ng aking monthly amortization, pagkain, tubig at koryente. Purihin ang Diyos.
‘Di kalaunan, marami nang mga guro ng UP ang tumira sa BLISS. Nagkaisa silang wala munang magbabayad sa MHS ng monthly amortization hanggang hindi pa nakukumpuni ng MHS ang ilang mga sira gaya ng tumutulong bubong sa 4th floor, hindi pa tapos na tapos ang perimeter wall, atbp. Nang sinubukan kong magbayad ng monthly amortization, pinagsabihan nila akong makiisa sa kanilang napagkasunduan. Kaya tu- loy, hindi ako nakabayad. Tuloy, naging libre ang aking pagtira sa BLISS unit, at ang bayad ng aking boarders ay naging ipon ko.
Tandaan: Sa kakasingko-singko, nakakapiso; sa kakapiso-piso, nakaka-isang libo.
Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang Youtube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.
525470 738242Hello, Neat post. There is an issue along along with your website in internet explorer, may possibly test thisK IE nonetheless could be the marketplace chief and a big section of men and women will pass more than your outstanding writing due to this dilemma. 731181
115316 918468Taylor Lautner By the way you might want to look at this cool website I found 431946
443585 374897I truly enjoy examining on this internet site , it has got excellent posts . 906400