PARAAN NANG MAIWASAN ANG KALUNGKUTAN

KALUNGKUTAN

(Ni NENET L. VILLAFANIA)

MARAMING simpleng paraan upang maiwasan ang kalungkutan. At ilan diyan ang mga sumusunod:

MAGKAROON NG HOBBY

Hobby pa, e busy ka nga! Saan mo pa isasaksak ‘yan?

Pero kung sa ikabubuti naman ng buhay mo, why not, coconut? Pang-divert man lang ng atensiyon kapag bored na bored ka na sa buhay.

Ano ba naman ‘yung paminsan-minsan ay mangolekta ka ng kabibe sa mga dagat na napupuntahan mo, o mga dahong pinatuyo para ilagay sa album, o kaya naman ay magbasa ka ng mga tagalog pocketbooks kung ayaw mo ng English pocketbooks dahil hindi mo maintindihan.

Personally, as a hobby, nagbabasa ako ng libro. Kaya nga si­guro hindi ako gaanong nai-stress. ‘Yung iba, libangang manood ng telenovela. Pero sa totoo lang, nakaka-stress manood ng tele-novela. Lagi na lang kasing bitin sa dami ng commercials.

HUWAG MAGPADALA SA KANTIYAW

Minsan, ang mga inaakala mong friends, sila pa pala iyong nag­hahain sa ‘yo ng tukso. Sino ba ang makapi­pilit sa iyong tumikim ng droga kundi ang mga kaibigan mo?

Sasabihin nila, minsan lang naman. Pero, tsong, tsang, gaano kadalas ang minsan?

You cannot please everybody, kaya you better please yourself na lang. Kapag ayaw, ayaw at panindigan mo iyan.

MAGLAAN NG ORAS PARA SA IYONG SARILI

Ang mga Pinoy kasi, family lagi ang priority. Nakalilimutan tuloy ang sarili. Na­alala ko tuloy ang aking Mr. X. Lagi niyang sinasabing bago ang iba, ang sarili niya muna, dahil wala siyang maibibigay kung wala siya kahit ano.

Galit na galit ako, dahil sa pamilya, anak dapat ang inuuna. Pero ngayon, naiintindihan ko na siya. Oo nga naman. You cannot give what you do not have. Sabi nga ni Mariah Carrey, “I give my all”, kaya ayon, naiwan siyang luhaan.

Pero ang ibig ko lang namang sabihin, kung may ibibigay ka sa pamilya mo, siguruhin mong may naiwan kahit paano para naman sa iyo.

In the first place, ikaw ang nagtatrabaho kaya nga may ibinibigay ka.

Buti sana kung “I give my all” ka pero ibinabalik naman ng mga binibigyan mo. Kaso, kadalasan, “I give my all” at ni walang thank you. Parang utang na loob mo pang binigay mo ang lahat sa kanila.

Sasabihin pa sa ’yo, “Hindi ko naman hiningi ‘yan. Kusa mong ibinigay!” O, ‘di ba it hurts!

Sa buhay, importante ang paglalaan ng oras sa sarili para sumaya.

Ilang tips lamang ang mga nabanggit na tiyak na makapagpapaligaya sa inyo. Simple ngunit effective.

Comments are closed.