HINALUAN ng semento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) para wasakin ang nasa 5.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P38,225,128.11 sa kanilang hall of justice sa Jolo, Sulu.
Ang nasabing sistema na ginamit ng BARMM PDEA Regional Office ay kakaibang pamamaraan ng pagsira sa ipinagbabawal na droga na kinilalang “rendering inert,” na nagresulta para kilalanin ang PDEA BARMM bilang kauna-unahang regional office na nag-iimplementa ng kakaibang estilo ng drug destruction.
Ayon sa PDEA Public Information Office, ang pamamaraan ay tumutugon sa alituntunin na itinakda ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para sa ligtas na ‘handling and disposal” ng kemikal na may kaugnayan sa paggawa ng ipinagbabawal na droga.
Nabatid na ang bulto ng sinirang droga ay mula sa 97 kaso na nakahain sa RTC Branch 3, Jolo, Sulu, mula pa noong 2022 hanggang sa kasalukuyang taon na nagtatampok din kung gaano karami ang illegal drugs ang nasamsam ng PDEA-BARMM.
Pinapurihan naman ni Honorable Judge Alsad H. Alfad Jr. ang walang humpay na pagsisikap ng PDEA at iba pang law enforcement units na sugpuin ang drug menace sa kanilang nasasakupan ng naaayon sa batas at paggalang sa human rights.
Ayon kay Regional Director Gil Cesario P. Castro bunsod din ito ng malakas na suporta na kanilang nakukuha mula sa Local Government Unit (LGU) ng Sulu ng Prosecutor’s Office maging sa Local Court of Sulu province at PNP Forensic Sulu.
Nasaksihan ang destruction ceremony nina Governor Abdusakur M. Tan, na kinatawan ni Mr. Erwin Tan, ang Provincial Administrator ng Sulu; PCOL Narciso Paragas, Provincial Director of Sulu PPO; PMaj Christopher E Dela Cruz, Forensic Chemist, Honorable Anna Marie-Pierre Angele Ledesma, Sulu Provincial Prosecutor; at Atty. Riza Flor Z. Derotina ng Public Attorney’s Office, media representatives, NGO representatives, local elected barangay officials, MENRE SULU, MPW BARMM, at iba pang stakeholders.
Kasunod ng destruction processes ginawang cement marker o monument ng mga PDEA officials at local court ang pinaghalong shabu at semento bilang symbol ng pina igting na kampanya kontra droga.
VERLIN RUIZ