PARAAN PARA MA-ACHIEVE ANG INAASAM NA BAKASYON

BAKASYON-1

LAHAT naman tayo ay may inaasam-asam na bakasyon. May ilan sa atin na hindi naman pinoproblema ang pagbabakasyon o pagtungo sa ibang lugar dahil afford nila o kaya nilang gumastos. Na may sapat silang panggastos sa kanilang dream vacation.

Samantalang may ilan naman sa atin na walang pagkakataon. Kumbaga, asamin man nila o gustuhing makapag-travel o makapagbakasyon, hindi nila magawagawa dahil sa walang budget.  Kaya’t ang ginagawa ng ma­rami, nag-iipon. Guma­gawa ng paraan upang matuloy o matupad ang inaasam-asam nilang pagbabakasyon o pagtungo sa ibang lugar.

Kunsabagay, hindi nga naman masama ang mag-asam na magtungo sa iba’t ibang lugar at malibot ito. Kaligayahan nga naman ng maraming pamilya ang makarating sa ibang bansa o malibot ang magagandang ta­nawin sa Filipinas.

Kaya para ma-achieve ang inaasam-asam na bakasyon o pagtungo sa ibang lugar, narito ang ilan sa pa­raang maaarin gawin:

GUMAWA NG LISTAHAN NG MGA LUGAR NA GUSTONG PUNTAHAN

BAKASYON-2Para ma-motivate tayo, isa sa mainam gawin ay maglista ng mga lugar na gusto na­ting puntahan at isulat natin ang mga gusto na­ting gawin sa lugar na iyon.

Sa pamamagitan kasi ng paglilista ng mga gustong puntahang bansa o lugar, maeengganyo tayong lalong magsumikap para matupad iyon.

Kaya unang paraan para ma-achieve ang travel goals, ang paggawa ng listahan ng mga lugar na nais bisitahin o dayuhin.

HUWAG MAWAWALAN NG PAG-ASA AT GUMAWA NG PARAAN

BAKASYON-4Kadalasan, dahil wala naman tayong gaanong budget, nawawalan tayo ng pag-asam ma-achieve ang inaasam-asam nating pagtungo o pagdayo sa ibang bansa.

Oo, nakalulungkot nga namang isipin na dahil sa kakulangan ng budget ay hindi tayo makararating sa ibang lugar. Ngunit hindi dapat iyon ang maging dahilan para hindi tayo magpursige na gawin ang nais nating gawin.

Hindi dapat maging hadlang ang mga bagay na wala tayo, lalo na ang kawalan ng budget.

Kumbaga, may pa­raan tayong magagawa at iyan nga ay ang pag-iipon. Kung talagang gusto nating makaalis o makapag-travel, gumawa tayo ng paraan at huwag tayong umasang dumating iyon ng basta-basta.

IHANDA ANG MGA KAKAILANGANIN SA PAGTA-TRAVEL

Para mas lalo ka pang maengganyo sa pag-iipon at paggawa ng paraan para matupad ang iyong travel goals, ayusin na rin ang mga kakailanganin gaya na nga lang ng passport.

Dapat sinisimulan mo nang lakarin ang mga kakailanganin mo sa gagawing pagta-travel nang sa pagdating ng panahong iyon, wala kang magiging problema. O hindi ka magmamadali sa pag-aasikaso ng mga paper o kung anuman.

GAWING MAKATOTOHANAN ANG PLANO AT TIGILAN NA ANG PAGDADAHILAN

BAKASYON-3Marami sa atin ang magaling magplano. Puro plano pero wala namang aksiyong ginagawa. Gustong magtungo sa ganito o ganyan pero hindi naman nag-iipon. Gustong marating ang ganitong bansa pero ayaw namang ayusin ang mga kailangang ayusin gaya ng passport.

Kailangan mo ring kumilos. Gumawa ng paraan. At tigilan na ang kadadahilan. Oo mara­ming dahilan ang puwede nating maisip gaya ng kawalan ng pera o kung anuman pero kung gusto mo naman talaga, puwede namang mangyari.

Marami sa atin ang punumpuno ng dahilan. Malapit na matapos ang 2018 kaya tama na ang pagdadahilan. Kasi habang nagdadahilan ka, wala talagang mangyayari.

KAPAG DUMATING ANG PAGKAKATAONG MAKAPAG-TRAVEL, HUWAG PALAMPASIN

May mga bagay na dumarating ng hindi ina­asahan. Halimbawa na lang kung nagtatrabaho ka.

Kung minsan, nagpapadala ang isang opisina ng mga emple­yado sa ibang lugar para um-attend ng conference o meeting na makatutulong sa kompanya at pagpapalawak ng kaalaman ng empleyado.

Kapag dumating ang ganitong mga pagkakataon, huwag nating palampasin. I-grab kaagad natin.

Baka kasi hindi na mangyari. Sayang naman ang pagkakataon kung pakakawalan mo ng basta-basta. Gaya lang din ‘yan ng pag-ibig, kapag alam mo siya na si the one, huwag kang magdalawang-isip. Huwag mo nang pakawalan pa.

Marami tayong pla­no o gusto sa buhay. Siguro ngayon ay hindi pa natin iyan makakamit. Gayunpaman, gumawa ng pa­raan upang ma-achieve ang inaasam-asam.

Tama na ang pagdadahilan. Umaksiyon na kumbaga.   CT SARIGUMBA

Comments are closed.