PARAAN PARA MAPABABA ANG PRESYO NG GAMOT INIUDYOK SA GOBYERNO

GAMOT-3

IPINAKOKONSI­DERA sa gobyerno ang ibang paraan para mapababa ang presyo ng gamot dahil ang paglalagay ng maximum cap ay makasasakit sa bulsa ng mga pasyente, pharmacists at mga botika ‘di kalaunan.

Puwedeng ayusin ang bultong pagkuha sa manufacturer kaysa magpataw ng maximum price cap sa gamot, pahayag ni executive director of the Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) Teodoro Padilla.

Sinabi ng grupo na makatutulong sa gobyerno ang “work out a system” para sa maramihang pagbili.

“A viable solution is for the DOH to make available the cheapest medicines because of lowered procurement cost from pharmaceutical companies,” sabi ni Padilla.

“Our prices under this arrangement are low that medicines in government hospitals are priced at times at a fraction than those in the open market,” dagdag niya.

Itinutulak ng Department of Health ang paraan na naglalayon na mabawasan ang presyo ng gamot at magpataw ng maximum drug retail prices base sa RA 9502 or the Cheaper Medicines Act of 2008.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang presyo ng mga medisina sa bansa ay puwedeng 70 beses na mas mataas kompara sa mga ibinebenta sa ibang bansa. Sinabi ni Duque na ang rekomendasyon ay ipadadala na sa opisina ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi ng PHAP na umaasa sila na ipaliliwanag ang kanilang panig sa gobyerno bago gumawa ng desisyon.

“We have been asking for a meeting with our officials to explain that there is a better way that our prices are comparable to ASEAN countries, and that price control on medicines doesn’t work. We hope we can explain our side before the government makes a decision on the proposed MRP,” sabi ni Padilla.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang consumer watchdog Laban Konsyumer, para sa health department’s plan, sabay sabing ang malalaking pharmaceutical companies ay kikita pa rin kahit na bumaba ang presyo ng gamot.

Comments are closed.