IPINAGBAWAL muna ang mga pagdiriwang sa kalsada at parada sa selebrasyon ng pista ng Sto. Niño sa Tondo, at Pandacan sa Maynila.
Ito ay matapos na lagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 02 kung saan nakasaad ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan upang mapigilan ang pagkalat ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bawal din ang street parties, stage shows, parada at mga palarong kalye sa lungsod sa pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño sa ika-17 ng Enero.
Sinabi ng alkalde, madaling maging instrumento ang mga nasabing uri ng pagtitipon upang mapabilis ang pagkalat o hawahan ng COVID-19.
Bukod sa pagbabawal ng mga nabanggit na aktibidad, mahigpit ding paiiralin ang curfew at liquor ban sa ika-16 at 17 ng Enero.
Inatasan na ni Moreno ang mga opisyal ng barangay at mga tauhan ng Manila Police District upang tiyaking nasusunod ang direktiba.
Comments are closed.