PARAK MINALAS SA AMBUSH, MISIS SUGATAN

armalite

BOHOL – PATAY sa pananambang ang isang pulis habang sugatan ang asawa nito nang paulanan ng bala ang kanilang sasakyan sa Brgy. Guiwanon, Maribojoc.

Sa report na nakarating sa Bohol Provincial Police Office, inambush ng mga hindi pa na­kilalang gunmen  ang biktimang si P/Cpl. Arnel Bayot, kasalukuyang naninirahan sa  bayan ng Tubigon.

Kasama ni Bayot na  kasalukuyang nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa bayan ng Ubay ang asawa nitong si Richel na malubhang nasugatan sa pananambang .

Ayon sa acting chief ng Maribojoc-PNP na si PCpt. Fortunato Villafuerte, kasalukuyan pa nilang inistabilisa ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa likod ng ambush.

Lumilitaw na lulan ng kanilang kotse ang mag asawang biktima nang dikitan sila at paulanan ng bala ng mga suspek na armado ng M-16 armalite riffle.

Dead on the spot ang pulis dahil sa dami ng tama ng bala sa likuran habang nagtamo naman ng gunshot wounds si Richel sa kanyang balikat at binti.

Narekober mula sa crime scene ang 21 empty shells ng M-16 rifle na armas. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “PARAK MINALAS SA AMBUSH, MISIS SUGATAN”

  1. 47984 635158Hey, you used to write amazing, but the last few posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past several posts are just a little bit out of track! come on! 258731

Comments are closed.