QUEZON CITY – PATAY ang isang pulis matapos tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek habang papauwi na ito mula sa kanyang trabaho noong Martes ng gabi.
Alas-8:10 ng gabi nang maganap ang insidente ng pamamaril kay PLT Ernesto Mendoza Jr. na naka-assign sa DLD, QCPD nang pagbabarilin ito ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo sa Malingap Street corner Mapagkawanggawa, Brgy. Teachers Village.
Lulan si Mendoza ng kanyang kotse na kulay silver na may plate number DAD 5607 nang barilin ito habang ang mga suspek naman ay lulan ng pulang motorsiklo. PAULA ANTOLIN