PARAK NAGTANGKANG MANG-EXTORT NG P100,000 ISINELDA NG PNP-IMEG

arestado

PANGASINAN-NAARESTO ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa kanilang entrapment operation ang kapwa nila pulis dahil sa pa­ngongotong sa Brgy. Pugaro,  Balungao.

Ayon kay PNP IMEG Director Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang naarestong pulis na si Police Master Sergeant Aurelio Pine, nakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit sa Region 1.

Inireklamo ito ng pangongotong ng isang Ricky Sanchez  may-ari ng hardware store.

Tinawagan umano ng suspek na pulis si Sanchez at sinabing kabilang siya sa mga nasa listahan sa Region 1 na kilalang miyembro ng gun-for-hire at drug trafficking syndicates  na target sa pag-aresto.

Para maalis sa listahan, sinabi raw ng police suspect kay Sanchez ay kailangan niyang magbayad ng P100,000.

Dahil dito, ikinasa ang entrapment at naaktuhan ang suspek na inaabot ang pera kay Sanchez.

Nakuha rin sa pulis na si Pine ang PNP-issued Glock 17 semi-automatic pisto at caliber .45 pistol na expired ang lisensya.

Sa ngayon nasa Camp crame na ang naarestong pulis at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo. REA SARMIENTO

Comments are closed.