NAKABUWELTA pa ng putok ang isang pulis Maynila makaraang saksakin ng nakaalitan umanong security guard sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyan pa ring ginagamot sa ospital ang police officer na si Pat Jayson A. Cuarteros, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Beata PCP, Pandacan Police Station PS-10 habang ang security guard ay si Ernesto Delorino y Mercader, Jr., alyas Larry, 41-the anyos ng Blue Cavalier Security Agency at residente ng 1503 J. Villanueva 5 St., Almanza Uno Las, Piñas City na sugatan rin matapos mabaril.
Sa inisyal na ulat ng MPD, dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Sto Niño de Pandacan Church sa Jesus St., Brgy. 833 Pandacan, Manila.
Kasalukuyan umanong nagmamando ng lugar ang mga tauhan ng MPD Beata PCP, PS 10 ng Police Assistance Desk (PADS) nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak sa likod ang nasabing pulis.
Mabilis na kumilos ang pulis at ipagtanggol ang sarili at gumanti kaya binaril nito si Delorino.
Inaalam pa ang sanhi ng kanilang alitan ng dalawa. PAUL ROLDAN