PARAK SUGATAN SA AMBUS

BARIL

ZAMBOANGA SIBUGAY – MALUBHANG nasugatan ang isang  tauhan ng Philippine National Police (PNP) nang tambangan ito ng riding in tandem gunmen.

Sa ulat ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office sugatan sa ambush ang isa nilang opisyal na kinilalang si Insp. Yashier Abdulla Sarikin.

Lumitaw sa pagsisiyasat na kadarating lamang ni Sarikin sa kaniyang inuupahang bahay sa Purok Eloisa sa bayan ng Ipil nang dumating ang dalawang motorsiklo at lumapit sa kaniyang kotse.

Agad na bumaba ang backrider at nilapitan si Sarikin at saka ito pinagbabaril subalit nagawang makaganti rin ng putok ang pulis kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad isinugod sa ospital si Sarikin na ginagamot ngayon dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang kilay at daliri.  VERLIN RUIZ

3 thoughts on “PARAK SUGATAN SA AMBUS”

  1. 493425 228188Interested in start up a online business on line denotes revealing your service also providers not only to humans within your town, nevertheless , to numerous future prospects which are cyberspace on several occasions. pays everyday 486535

  2. 144950 490100Spot up for this write-up, I seriously believe this site needs a great deal far more consideration. Ill apt to be once far more to learn additional, appreciate your that information. 264534

Comments are closed.