PARALYMPIC MEDALIST TODO PASASALAMAT SA PSC

Adeline Dumapong-Ancheta

NAGPASALAMAT si Para powerlifting veteran Adeline Dumapong-Ancheta sa  Philippine Sports Commission (PSC) sa pagkakaloob ng ahensiya ng all-out support sa kanyang career at sa kanyang pagsabak sa ASEAN Para Games.

“Malaking bahagi ang PSC sa buhay ko. Kung bakit ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-compete sa iba’t ibang international competitions,” pahayag ng 46-anyos na si Ancheta na nagsimula sa powerlifting noong 1997.

Ang PSC ay todo suporta sa career ni Dumapong-Ancheta.

Mula sa dating P27,000 monthly allowance, ang multi-titled para powerlifting superstar ng bansa ay tumatanggap na ngayon ng P36,000 kada buwan magmula noong April 2018.

Ito ay makaraang sumabak si Dumapong-Ancheta sa kanyang ika-5  Paralympic Games campaign sa 2016 Rio de Janeiro, Brazil, habang idinagdag ang bronze medal sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Pagkalipas ng tatlong taon, ang ipinagmamalaki ng  Kiangan, Ifugao ay naging kauna-unahang Filipino para-athlete na nanalo ng medalya sa Summer Paralympic Games kung saan nag-uwi siya ng bronze sa Sydney, Australia.

“The PSC has taught me to have more confidence, to have a better outlook on myself, and be proud. They have given me the opportunity to represent the Philippines and be able to give glory to our country,” sabi ni Ancheta.

Si Dumapong-Ancheta ay itinutu­ring nga­yon na top para powerlifter sa women’s 82-kilogram category sa Southeast Asia makaraang magwagi ng pitong  golds at isang 1 silver sa nakalipas na walong edisyon ng ASEAN Para Games (APG) – isang multisport event para sa differently-abled athletes na ginaganap tuwing ikalawang taon.

“To the Philippine Sports Commission, thank you very much po. Mula po sa taas hanggang po sa baba. Isa po ako sa mga tinulungan ninyo. Maraming-maraming salamat at mabuhay po kayo,” masayang paha­yag ni Ancheta na binate ang sports agency para sa nalalapit na 30th founding anniversary nito.

Ipagdiriwang ng ahensiya ang milestone year nito sa pamamagitan ng isang misa sa January 24 sa newly-refurbished Rizal Memorial Coliseum (RMC) sa Manila, at ido-donate na lamang ang kanilang anniversary celebration budget sa Taal evacuees.

Comments are closed.