PARALYMPICS:  MANGLIWAN, ACEVEDA PALABAN

MANGLIWAN, ACEVEDA

NAKAHANDA sina wheelchair racer Jerrold Mangliwan at discus thrower Jeanette Aceveda sa matinding hamon na kanilang kakaharapin sa kani-kanilang event sa World Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

“Ang umaayaw ay hindi magwawagi. Kaya hindi tayo umaayaw,” sabi ni Mangliwan, na tinamaan ng polio sa edad na dalawa.

“Kung titingnan natin iyong record nila (ang kalaban), malakas po sila. Pero malakas din po tayo,” susog ni Aceveda sa pahayag ng kanyang kapwa atleta sa isang panayam noong Lunes sa loob ng Athletes’ Village.

Batid ni  Aceveda, nagwagi ng tatlong golds sa 2013 ASEAN Para Games sa Naypyidaw, Myanmar, ang mga hamon na kanilang kinakaharap sa kanilang kampanya na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Salang-sala na po iyan sa bansang pinanggalingan nila, so battle of the champions na po ‘yan. Eh, hindi po tayo susuko,” sabi ng  50-anyos na may tatlong anak at namamahala sa tatlong massage therapy clinics sa iba’t ibang malls sa Marikina.

Sa dalawa, si Mangliwan, ang flag bearer ng bansa sa opening ceremonies sa Japan National Stadium Martes ng gabi, ang unang sasalang sa Biyernes sa T52 men’s 400-meter race, kung saan nakatakda ang heats sa umaga at ang finals sa gabi.

Naniniwala ang kanyang coach na si Joel Deriada na kaya ng 2016 Rio Para Games veteran na makapasok sa finals ng una sa tatlong events.

“Nakita na namin ‘yong record ng kalaban ni coach Joel kaya nakita namin may malaking pag-asa akong makapasok sa event na ito,” ani Mangliwan. “‘Yun ang pinaka-goal ko is to make it to the finals po talaga. Kung makuha ko po ‘yung goal ko na iyon, all out na po doon.”

Ang iba pang events ng wheelchair racer ay ang men’s 1,500-meter race sa Sabado at ang  100-meter sprint, na sisimulan ang heats sa Sept. 2 at ang finals sa susunod na araw.

“Bale gusto rin po nating makapasok sa finals. At siyempre po, manalo. Ibibigay namin ‘yong best namin,” sabi ni Aceveda, na nagtamo ng degenerative disease sa edad na tatlo kung saan nabulag ang pareho niyang mata.

Ang F11 women’s discus throw finals ay gaganapin sa Aug. 31 sa Japan National Stadium. CLYDE MARIANO

4 thoughts on “PARALYMPICS:  MANGLIWAN, ACEVEDA PALABAN”

  1. 201971 599187Hi there! I just wish to give an enormous thumbs up for the good info youve proper here on this post. I shall be coming again to your weblog for extra soon. 658530

  2. So Great! I need some infos in this post for my rapport de stage. Can i have your contact please? I need your permission to quote it :D. Anyway, That’s great job. Keep going.

Leave a Reply

Your email address will not be published.