PARAMIHIN ANG MIRACLE GRAIN

alex santos

HANGGANG ngayon pala’y problema pa rin ng ating mga kababayan sa ilang lugar sa Min­danao ang mataas na halaga ng bigas.

Mas nakikita pa ang desperasyon sa mga pamilyang walang sapat na pambili.

Bago ang krisis sa nabanggit na rehiyon, limitado ng hanggang limang kilo lang ang ka­yang bilhin sa rice outlets ng National Food Authority (NFA), kahit sa Metro Manila.

Nagdudumilat naman ang katotohanan na marami pa ring mamamayan ang hindi kayang bumili ng kahit isang kilo lang ng bigas.

Madaling sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan na may ginagawa sila para bigyang-solusyon ang problema sa suplay ng bigas.

Kaya mas maigi sigurong suportahan at maging agresibo ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawig ng produksiyon ng Adlai rice.

Likas na tumutubo sa Mindanao ang Adlai, isang uri ng damo na karaniwang nakikita sa rehiyon.

Kabilang ang Adlai sa pamilya ng wheat, mais at palay na pangunahing pinagmumulan ng pagkain para sa ilang katutubo roon.

Itinuturing nga ang Adlai bilang ‘miracle grain’ dulot ng maraming gamit at benepisyong dala ng bigas na ito.

Magandang isulong at suportahan ng DA ang pag-produce ng commercial quality nito, kasabay na rin ang pagpaparami rito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinasabing mainam na alternatibong binhi sa mais at palay ang Adlai sapagkat maaari rin itong gawing pangunahing sangkap ng iba’t ibang uri ng pagkain.

Para nga raw sa mga dalubhasa, maganda rin ang Adlai na gawing alak at gamot sa tumor, appendicitis, bronchitis, diabetes, lagnat, goiter, at iba pa.

Medyo mahal pa nga lang daw ngayon ang presyo ng kada kilo ng Adlai.

Subalit, kung magtutuloy-tuloy ang suporta at tulong ng DA sa produksiyon o pagpaparami nito, maaaring bumaba ang halaga ng Adlai.

Kahit anong panahon, hindi raw matakaw sa tubig ang Adlai tulad ng bigas.

At kahit mas mababa ang carbohydrates ng Adlai kumpara sa nakasanayan nating kanin, lumilitaw raw sa pag-aaral na pareho lamang ang enerhiyang naibibigay ng bigas na ito sa purong kanin.

Ang maganda pa rito, puwede itong anihin ng tatlong beses sa isang taon.

Kaya nga kung pagsusumikapan ng DA ang pagpapalawig ng pagtatanim ng Adlai, hindi malayong matamo ng ating bansa ang food self-sufficiency at food security sa hinaharap at makikinabang dito ma­ging ang mga susunod na henerasyon.

***

Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga, IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (7 a.m.-8 a.m.) at kasalukuyang host ng public service program sa PTV 4, ang KILOS PRONTO, tuwing alas 4 y medya hang-gang alas-5 y medya ng hapon,  Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood ninyo rin ako sa PTV NEWS araw-araw sa alas-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa lupaxsantos1@yahoo.com o puwede ninyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos.

6 thoughts on “PARAMIHIN ANG MIRACLE GRAIN”

  1. 726696 817607Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So nice to locate somebody with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this site is something that is needed on the internet, someone with just a little originality. useful job for bringing something new to the internet! 723979

  2. An fascinating discussion may be worth comment. I think that you ought to write regarding this topic, may possibly not be described as a taboo subject but normally folks are inadequate to speak on such topics. To a higher. Cheers

  3. You really make it appear so easy along with your presentation but I in finding this topic to be actually something that I believe I might by no means understand. It seems too complicated and extremely huge for me. I am taking a look forward to your subsequent submit, I will try to get the hold of it!

Comments are closed.