(Parang RitKen) JASMINE CURTIS-SMITH AT ROCCO NACINO ANOTHER ACCIDENTAL LOVETEAM

JASMINE CURTIS-SMITH AT ROCCO NACINO

KUNG naging accidental love­team sina Ken Chan at Rita Daniella sa teleseryengwallface ‘My Special Tatay’ at naghatid sila ng kilig, tila hindi malayong makabog na ang tambalan na ito nina Jasmine Curtis Smith at Rocco Nacino.

Hindi kasi akalain ng dalawa na magiging trending ang kanilang loveteam sa “Descendants of the Sun”, maraming kinilig at napaiyak sa istorya ng pagmamahalan ng kanilang karakter sa naturang te­leserye.  At tila nakakabog nito ang bidang sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Ayon kay Jasmine, inulan talaga ng komento ang kanyang social media sa tambalan nila ni Rocco. Maraming napapaiyak sa forbidden love ng dalawa at sa sobrang makatotohanan ng kanilang pagganap ay maraming naapektuhan, napaluha at kinilig.

Marami tuloy ang nagsasabing gawan nang sari­ling teleserye ang dalawa, dahilan sa may chemistry ang kanilang tambalan.

Knows naman ng lahat na parehong committed na sina Jasmine at Rocco pero marami ang kinikilig sa dalawa kung kaya wala man pagkakataon na maging tunay silang maging magsyota ay okey na okey lang ito sa mga followers ng loveteam ng dalawa. Kaya ganun na lang ang labis-labis din pasasalamat ni Rocco.

Say ni Rocco, isa si­guro magandang dahilan kung bakit naging kakilig-kilig ang tambalan nila Jasmine ay ang pagiging tunay nilang magkaibigan. Dahil sa tagal na rin naman ng pagsasama nila sa tapings ay naging close na sila sa isa’t-isa, pati na rin sa kani-kanilang mga dyowa.

JULIE ANNE SAN JOSE SASABAK NA RIN SA AKTINGAN

MATAPOS ang halos ilang taon na pamamahinga sa paggawa ng project,  nakatakdang umpisahan na ni Julie Anne San Jose ang isang proyekto kung saan ay aminadong pipigain ang kanyang talent sa aktingan.

Ani ni Julie Anne, hindi pa raw niya pwedeng i-reveal ang ilan pang detalye sa kanyang bagong project, pero sa ngayon ay pinaghahandaan na niya ito ng husto. Una na rito ay ang pag-undergo ng acting workshop.

Dagdag na say ng actress, out of her comfort zone ang naturang project at isa ito sa pangarap na gawin ng singer-actress. Marami tuloy ang nag-sasabing malamang ay pahinga na muna si Julie Anne sa mga concert at paggawa ng album ngayong taon para sa paghahanda sa bagong tina-target na proyekto? Pag nagkataon ay bagong pasabog na naman ito mula kay Julie Anne, pagkatapos niyang mag-viral sa kauna-unahang tiktok na labis-labis na kinagiliwan ng kanyang  followers.

Comments are closed.