BINIGYAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng pagkilala ang pulis na nag-viral sa social media matapos nitong itaya ang buhay sa pagsampa sa hood ng isang taxi driver sa Baguio City.
Mismong si DILG Secretary Eduardo Año ang nagpaabot ng kanyang pagkilala sa dedikasyon sa trabaho ni Patrolman Julius Walang sa kabila ng panganib sa buhay nito.
Giit ng kalihim, dapat bigyang pugay ang tulad ni Walang dahil sa tapang nito na ipatupad ang batas.
Kailangan ng bansa ang mga tulad ni Patrolman Walang na hindi nagdadalawang isip na isakripisyo ang buhay matupad lamang ang kanyang tungkulin, ayon pa sa kalihim.
Nag-viral si Patrolman Walang sa social media matapos itong pumatong sa hood ng isang taxi nang kanyang sitahin ang driver dahil sa traffic violation.
Comments are closed.