ISA na ngayong free agent si Filipino standout Kobe Paras sa Japan Professional Basketball League (B.League).
Ayon sa Niigata Albirex BB, nag-expire na ang kontrata ng Pinoy sa koponan.
“At Niigata Albirex BB, we are pleased to inform you that the contract with Kobe Paras has expired and will be announced on the B.LEAGUE free negotiation player list today at 15:00 on May 27 (Friday),” nakasaad sa statement ng koponan.
Si Paras ay naging miyembro ng Niigata noong September 2021 bilang bahagi ng Asian Player quota.
Sa 49 games na kanyang nilaro, si Paras ay may average na 8.2 points, 2.1 rebounds, at 1.2 assists kada laro.
Sa pagtatapos ng regular season, ang Niigata ay nangulelat sa 22 koponan na may pitong panalo at 45 talo.