PARATING ANG CHRISTMAS PERO KAILANGANG MAG-ARAL

MAG-ARAL

PARATING na ang holiday. Hindi lamang empleyado ang aligaga sa mga kailangang gawin, dadaluhang party at mga ihahandang pagkain. Hindi rin maitatanging tinatamad na ang maraming empleyadong magtrabaho, gayundin ang mga estudyante.

Mahirap na nga namang mag-focus lalo na kung nadarama na natin ang pagsapit ng holiday. Naeeng-ganyo na kasi tayong mag-saya na lang at itabi na muna ang mga kailangang gawin.

Pero siyempre, mahirap naman kung hindi tayo mag-aaral dahil holiday. Kumbaga, malaking kawalan din naman sa atin ang hindi mag-aral lalo’t pinagsisikapan nating makakuha ng matataas na marka.

Sabihin na rin na­ting paparating na ang holiday, hindi pa rin ibig sabihin ay petiks na lang tayo. Kailangan pa rin nating gawin ang mga nakaatang sa ating gawain—ang pagtatrabaho ng bawat emple­yado at ang pag-aaral ng bawat mag-aaral.

At dahil hindi nga naman maiwasang mawala sa focus ang bawat estud­yante ngayong kaliwa’t kanan na ang mga party, narito ang ilang tips na maaaring subukan:

MAG-ARAL-3GUMAWA NG STUDY PLANNER

Iba-iba ang trip ng bawat estudyante. May ibang mahilig sa planner.  Nagtitiyaga pa ngang mag-ipon ng sticker sa mga coffee shop para lang makakuha ng libreng planner. Maganda rin naman kasi ang plan-ner na inihahanodg o ino-offer ng mga kilalang cof-fee shop kaya’t nahuhumaling ang ilan—hindi lamang estudyante kundi maging ang mga empleyado.

Pero kung ang ilan ay sobrang hilig sa pangongolekta ng planner, may iba namang kinaaayawan ito. Da-hilan nila, pampabigat lang.

Pero importante rin ang paggawa ng study planner para hindi natin nakaliligtaan ang mga kailangan nating gawin lalo na nga-yong holiday na lumulutang na ang utak natin at ang iniisip ay ang pagsasaya.

Ngayong papalapit na nang papalapit ang pagsapit ng holiday, dinadalaw na tayo ng katamaran. Ang sarap na nga namang hu-milata o kaya naman mamasyal kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Iyon nga lang, hindi pa puwede dahil marami pa tayong kailangang asika­suhin—sa eskuwelahan at maging sa trabaho.

Kaya mainam ang paggawa o pagkakaroon ng study planner o planner ng mga gawain nang wala kayong makaligtaan, lalo na ang mga mahahalagang bagay. At higit sa lahat ay para na rin ma-schedule kung anong araw o oras mo kaila­ngang mag-aral ng leksiyon.

Para rin ganahan tayong kumilos, gumawa o mag-aral, makatutulong din ang pagbili ng gel pens at iba pang magagamit sa eskuwelahan o sa pag-aaral.

HUWAG MAGPAPAAPEKTO SA MGA NAKIKITANG DEKORASYON SA PALIGID

Malaki rin ang epekto ng mga dekoras­yon o palamuting nakikita natin sa paligid para mawala ang focus natin sa ating gina-gawa. Dahil nga naman may Christmas tree, regalo at iba’t ibang makukulay at nag-gagan­dahang dekorasyon, feel na feel na natin ang Christmas. Kaso tinatamad naman tayong guma-law-galaw.

Pero hindi puwedeng maapektuhan tayo ng mga palamuting nakikita natin sa paligid. Hindi rin tayo dapat na nagpapadala sa mga kaliwa’t kanang party o pagtitipon para mawala tayo sa konsentrasyon.

I-TREAT ANG SARILI

Mainam ding i-treat natin ang ating sarili. Maraming estudyante na upang maengganyo sa pag-aaral ay nagtutungo sa mga coffee shop. Puwede mo ring subukan ang ganitong gawi lalo pa’t nakapagre-relax at focus ang bawat isa sa atin kapag naiiba ang lugar.

Mahirap din ka­sing nasa bahay at eskuwelahan lang tayo naglalagi.

Paminsan-minsan ay lumabas naman tayo’t i-treat ang ating sarili.

Maganda rin kung matapos ang klase ay mag-iikot-ikot muna sa mall o sa mga parke nang ma-relax ang utak at katawan.

Sa ganitong mga panahon nga naman ay hindi na mabilang ang magagandang lugar na maaaring dayuhin. May mga mall din na namumukadkad sa kagandahan dahil sa iba’t ibang palamuti o dekora-syon.

MAGING HANDA SA LAHAT NG PAGKAKATAON

Alam naman nating hindi basta-basta ang pag-aaral ng leksiyon. Kung hati na ang utak natin, mahirap tandaan ang ating binasa o pinag-aralan.

Mainam din kung bago magsimulang mag-aral ay nakahanda na ang mga kakailanganin gaya ng text-books o libro, ballpen, notes, highlighter at higit sa lahat ay kape o kaya naman tea.

Nakagigising din naman ang kape at tea kaya’t lagi itong karamay o katabi ng bawat estudyante. Ma-ghanda rin ng mga tsokolate o biskuwit nang kumalam man ang sikmura ay hindi mo na kakailanganin pang tumayo at maghanap dahil mayroon nang nakahanda sa tabi mo.

MAG-ARAL-2MAG-ENJOY

Ano pa man ang ginagawa ng marami sa atin, kailangang ma-enjoy natin ito upang magawa natin ng maayos.

Kaya naman kung tinatamad ka, mag-isip ng mga bagay na makatutulong upang manatiling focus sa ginagawa at hindi malihis ang iyong isipan.

Isipin din ang magandang hinaharap. Mga pangarap na gusto mong maabot sa buhay. Sa ganitong paraan, mas gaganahan ka sa iyong ginagawa. May tinatanaw ka nga naman kasing magandang bukas.

Hindi lamang mga estudyante ang tinatamad ngayong papalapit na ang Pasko kundi marami sa atin.

Gayunpaman, isaisip natin ang mga bagay na kailangan nating gawin. O mga obligasyon natin. Tandaan din natin ang magandang bukas na pinakaaasam-asam ay makakamit lang natin kapag nagpursige tayo. Kapag nanatili tayong focus sa ating ginagawa at sa ating mga pangarap.

Comments are closed.