ANG PDP-Laban ay isang partido politikal na itinatag ng mga grupong tutol kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nabuo ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni namayapang Sen. Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan (LABAN) ni Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
Noong Sabado, nagkaroon ng malaking kaganapan sa PDP-LABAN, ang partidong politikal na namamayagpag sa kasalukuyang administrasyon. Nasipa ang kanilang pangulo na si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang posisyon at pinalitan ng DOE Sec. Alfonso Cusi na sinipa dati ni Pacquiao sa kanilang partido. Ang gulo, hindi ba?!
Kung tayo ay magbalik-tanaw, ang PDP-LABAN ay nawala sa eksena matapos suportahan ni yumaong Pangulong Corazon Aquino ang partido LDP o Laban ng Demokratikong Pilipino ni dating House Speaker Ramon Mitra. Sumubok ang PDP-LABAN noong halalan ng 1992. Subalit mahina ang PDP-LABAN noong mga panahon na iyon. Kaya naman nagsanib-puwersa ang dating mahina rin na partidong Liberal Party (LP). Ang kanilang kandidato sa pagka-pangulo ay si Jovito Salonga (LP) at ang bise presidente nila ay si Aquilino Pimentel (PDP-LABAN). Mababa ang nakuhang boto ng dalawa. Ang nanalo sa pagkapangulo ay si Fidel Ramos ng LAKAS at si Joseph Estrada naman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bilang bise presidente.
Subalit tila nasa guhit ng tadhana ang dating dalawang mga kulelat na partido noong 1992. Namayagpag ang LP nang magwagi ang anak nina Ninoy at Cory Aquino na si Benigno Simeon Aquino III o mas kilalang si Noynoy o PNoy noong 2010.
Noong 2016 naman hanggang sa kasalukuyan, ang PDP-LABAN ang namamayagpag na partido politikal.
Masakit man aminin, ngunit tama ang sinabi ni Pangulong Duterte tungkol sa PDP-LABAN. Nagkataon lamang na tinanggap ng PDP-LABAN si Duterte noong 2016. Wala kasing partido politikal si Duterte na nasa listahan ng Comelec noong mga panahon na iyon. Alam naman nating lahat na umaakyat ang survey rating ni Duterte noon. Subalit ang LAKAS, LP, Nacionalista Party (NP) at NPC ay may kanya-kanyang standard bearers na para sa 2016 elections.
Natandaan ko pa na nagkaroon din ng paksyon sa loob ng LP. Noong 2007 ay nag-away ang mga miyembro ng LP kung sino ang dapat na pangulo ng kanilang partido. Si dating Sen. Mar Roxas kasi daw ang nahalal na pangulo ng LP na kinuwestyon naman ni dating DENR Sec. Lito Atienza. Hmmmm, parang hawig sa nangyayari ngayon sa PDP-LABAN.
Kinuwestiyon kasi ni Atienza sa Comelec ang proklamasyon ni Roxas bilang pangulo ng kanilang partido. Tulad ng nangyayari ngayon sa PDP-LABAN, nag-uugat kasi ito kung sino ang dapat na mamanukin ng kanilang partido. Si Roxas kasi noon ay nag-aambisyon na tumakbo bilang pangulo para sa 2010 election. Matatandaan na napakababa ng satisfaction rating ni Pangulong Arroyo noong mga panahon na iyon. Nakatitiyak ang LP na kung sino man ang ilalaban nila sa pagka-pangulo ay malaki ang pag-asang manalo.
Ganoon din ang nangyayari ngayon sa PDP-LABAN. Inaasahang si Pacquiao ang bitbitin ng PDP-LABAN dahil para sa kanya ay siya ang pangulo ng partido. Hindi man sang-ayon ang iba, ngunit mataas pa rin ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte. Kung sino man ang babasbasan niya sa susunod na election, malaki ang posibilidad na manalo ito.
Dapat yata ay magbalik-tanaw ang mga miyembro ng PDP-LABAN sa nangyari sa LP noon. Magsilbing aral ito sa kanila. Tandaan, hindi si Roxas o si Atienza ang nagwagi sa away nila sa partido. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa mala-telenobelang nangyayari sa mundo ng politika sa ating bansa.
61043 448793Absolutely pent subject matter, regards for entropy. 307421
27631 242907But a smiling visitant here to share the really like (:, btw fantastic style and style . 788435
799362 474917This style is steller! You clearly know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Amazing job. I actually enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 723110
508381 614824I like this blog so a lot, saved to my bookmarks . 610424