NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police na hindi umano tatayo sa korte ang ihahain kaso laban sa kanila ni Vice Presidente Sara Duterte base sa mga hawak nilang ebidensya.
Habang tinitiyak ng PNP na matibay ang kasong isinampa nila laban kay Vice President Sara Duterte at iba pang personalidad.
Ito’y kasunod ng naganap na kaguluhan sa nangyaring force transfer o paglilipat ng ospital sa chief-of-staff ni VP Sara na si Undersecretary Zuleika Lopez.
Paliwanag ni PNP Public Information Officer (PNP-PIO) Chief BGen. Jean Fajardo, may hawak silang ebidensya o video kung saan makikita kung paanong pinagtulakan ng chief security ni VP Sara si LtCol. Jason Villamor ng PNP health service.
Inihayag ng PNP na mga kasong Direct Assault, Disobedience, at Grave Coercion ang kanilang inihain laban kina VP Sara, Col. Raymund Dante Lachica, Chief Security Detail ng bise presidente at ilang John at Jane Does sa QC prosecutor’s office.
Dahil dito, magsasampa rin ang kampa ni VP Sara ng kasong disobedience, robbery at kidnapping laban sa PNP.
Tiniyak ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na handa silang harapin ang anumang kasong isasampa ni Vice President Sara Duterte laban sa kanila.
Ang paniniyak ay ginawa ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Brig Gen. Nicolas Torre III.
“That is always the right of anybody to file a case, especially against the police, kung feel nila na na-aggrieve sila,” pahayag ni PNP CIDG chief .
“We welcome that and we will wait for the case to be filed before we make our statement and the appropriate answer kung saang forum isasampa ang kaso,” wika pa niya sa mga mamamahayag sa Camp Crame sa Quezon City,” ani Torre.
VERLIN RUIZ