Ipinagmamalaki ni Andi Eigenmann na masaya ang childhood ng kanyang mga anak.
Si Lilo, 5 years old a lamang ay nahihilig na sa surfing. Lagi umano itong Masaya habang nakikipaglaro sa mga alon.
“They choose to start most of their mornings this way. A surf sesh, skate sesh or just a nice walk outside with papa and the dogs,” Ani Andi.
“It’s a good way to get her energized and in the mood for some kindergarten activities at home afterward.”
Andi Eigenmann defends her decision to let her five-year-old daughter Lilo Alipayo surf and excel academically.
Binatikos si Andi ng mga walang magawang marites at maritsu, dahil sa halip daw na surfing, bakit hindi tutukan ang pag-aaral ni Lilo.
Heller! Five years old lang ang bata! Baliw ba yung basher? Gusto mo, magseryoso agad, e nag-e-enjoy nga. Minsan lang maging bata, heller! Kawawa naman ang anak ni marites at maritsu, gusto pang maglaro, pipilitin nang mag-aral. Unahin nyo kaya ang character building at emotional qoutient bago ang lahat!
Saka walang pakialaman sa paraan ng pagpapalaki ng anak. Kanya-kanya tayong diskarte dyan.
Sabi ni Andi: “Someone somewhere on the internet told us to put her in school instead of letting her surf… [woman shrugging emoji] she’s doin both, and excelling in both, thanks very much.”
Sakaling hindi, problema na yon ni Andi.
Hopefully, natututukan nina marites at maritsu ang kanilang mga anak, dahil andami nilang oras humusga sa parenting style ng iba.
Para sa akin, tama si Andi na siguruhing masaya ang childhood ni Lilo, para ituring din ng bata na ang pag-aaral ay isa ring masayang gawain, kesa parusa o burden. Yung ibang bata kasi, kaya tinatamad mag-aral, pinipilit kasi ng magulang.
Sa kaso ni Lilo, ibinibigay ng mag-asawang Alipayo kung ano ang makakapagpasaya sa bata. Why not? May pera sila, kaya nila. Inggit kayo?
May passion for surfing and gymnastics si Lilo, at pinagbigyan nila ito. Aba, Malay nyo, one of these days, panlaban na si Lilo sa Olympics.
Masaya ang mag-asawang Alipayo na nae-explore ng kanilang mga anak ang kanilang mga abilities and interest. At mind you, nakakapag-perform na si Lilo ng mga gymnastics activities tulad ng aerial hoop, back roll, bridge, at handstand.
Pinalalaki raw ni Andi ang tatlo niyang anak batay sa kung paano siya pinalaki ng kanyang inang si Jaclyn Jose. Hands-on raw ito sa kanya at pinalaki siyang simple at hindi materyosa. Ganoon din umano niya palalakihin ang kanyang mga anak.
RLVN