Parents ng batang bulakbol, dapat bang ikulong?

Kamakailan, ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na kahit napakaluwag na ngayon sa blended learning system, napakarami pa ring kabataan ang hindi pumapasok sa iskwelahan. Marahil, dahil ito sa pandemic, o baka may iba pang dahilan, ngunit kailangang gawan ito ng paraan. Baka ang 0.73% illiteracy rate ng bansa ay mas tumaas pa. Ang literacy rate sa bansa ay umabot na sa 99.27% noong 2021. Sa pagitan ng 2010 at 2021, tumaas ang literacy rate ng Pilipinas ng 1.4%. Sa year-on-year basis, tumaas ang literacy rate ng 0.03% noong 2021.

Maraming dahilan kung bakit hindi pumapasok sa iskwelahan ang mga bata. Una, dahil ayaw lang nila. Sa madaling sabi, kahit pinipilit sila ng kanilang mga magulang, gumagawa sila ng paraan upang tumakas. Pwede ring madalas mag-absent dahil mahina ang katawan at may sakit. Or, natatakot pumasok sa iskwelahan dahil nabu-buly at hidi sila makalaban. Pwede ring ang titser mismo ang nambu-bully. Aba, madalas mangyari yon lalo pa at makulit ang bata.

Or, nasanay na sa bahay lang nag-aaral, dahil ilang taon din namang home-schooled ang mga mag-aaral sa takot ng gobyernong mahawa sila ng COVID-19.

Yung iba, posibleng kapos financially. Walang pamasahe o kaya naman, walang pambili ng project, o kahit pamasahe man lang, wala, at napakalayo ng iskwelahan para lakarin. Kahit pa libre ang tuition fees sa public school, pati na ang uniporme, bag, notebooks, libro, ballpen at kung anu-ano pa (sa Makati City, Taguig City at Quezon City lang ito), may mga unexpected gastos pa rin ang mag-aaral. Sa xerox copying pa lang nga, ubos na ang baong P100 per day. At ilan ang parents na kaya ang baong P100 per day, lalo pa at lima ang anak na nag-aaral?

Pero ang pinakamalalang dahilan, yung ayaw talaga silang pag-aralin ng kanilang mga agulang dahil ang bata mismo ang sumusuporta sa kanilang pamilya. In other words, child labor. Yung mga batugang magulang, nagpapalaki ng tiyan, nag-uubos ng pera sa sugalan. Yung ibang ama pa nga, may perang pambili ng alak at pulutan pero walang pambili ng pagkain para sa ga anak. Kung ganyan ang mga kaso, pwede mo bang ipilit ang attendance?

Kapag hindi pumapasok ang bata sa iskwelahan, tumatawag sa magulang ang school administration. May certain number of absences lang kasing pwedeng i-tolerate ang mga schools. Kahit tinawagan na ng administration ang magulang at ipinaalam ang kanilang pagliban sa klase, kapag sinabi ng magulang na may sakit ang bata kahit hindi naman totoo, walang magagawa ang pamunuan ng iskwelahan. Oo, pwedeng magsagawa ng home visitation, pero hindi pa rin ito sapat. Lagi kasi silang pinagtartakpan ng kanilang mga magulang sa takot na hindi maka-graduate.

Tulad ngayon – pasahan na naman sa iskwela.

May malaking problemang kinakaharap ang mga teacher kapag ganitong pasahan na sa iskwela. Kahit gustong-gusto nang ibagsak ng guro ang estudyante, napakahirap gawin. Napakaraming papel na dawal gawin, kasama pa ang pagpayag ng magulang na ibagsak ang kanyang anak. Kailangan ring magbigay ng maraming dahilan upang patunayang kabagsak-bagsak ang bata. Hindi sapat yung lagi lang absent. Hindi rin sapat na dahilan yung laging bagsak ang pagsusulit. E ano pala ang pwedeng idahilan? Kailangan ding patunayan mong ginawa mo na ang lahat bilang guro, upang matulungan ang batang maipasa ang subject na ibabagsak niya, pero wala talagang nangyari. Sobrang hirap talaga.

Sa madaling sabi, kahit hindi pumapasok sa iskwelahan ang bata, pwede pa rin siyang pumasa – kahit walang natutuhan. Ganyang ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng bagong milenyo.

Ngayong face-to-face na uli ang pag-aaral matapos ang mandatory confinement sa bahay dahil sa COVID-19, at mandatory na uli ang pagpasok sa iskwela mula kindergarten hanggang Junior High School, bukod pa sa libre ang tuition fees ng Senior High School pati na sa Tertiary level, may dahilan pa ba ang estudyante at magulang para hindi mag-aral ang bata?

Mayroon pa ring fatal flaw sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng gobyernong maiayos ang lahat. Lagi naman. This time, kakasuhan na raw ang mga magulang na hindi magpapaaral sa anak. May penalty fine na Ten Thousand Pesos (P10,000.00) at isang buwang community service sa school o ‘learning facility ang ipapataw sa second offense. Yung first offender kasi, reprimand lang at paalala. Kung habitual offenders aman, ang parusa ay one (1) year imprisonment na. Nye! Dahil bulakbol ang anak mo, makukulong ka pa ng one year?

Si Sen. Loren Legarda ang unang nagpanukala nito noong 2006 na sinuportahan naman ng Department of Education (Deped). Mas mabigat ang parusang gusto ng senadora kung saan sa Senate Bill 924, ang magulang o guardian na hindi pag-aaralin ang batang nasa kanilang pangangalaga ay makukulong ng anim na buwan at magbabayad pa ng P100,000.

May counterpart naman ito sa Kamara na si Cagayan City Rep. Rufus Rodriguez ang nagpanukala dahil abot na pala sa 11.6 million school-age children and youth ang hindi nakakapag-aral. Nakakalat sila sa kalsada at namamalimos o kaya naman ay nagtatrabaho na mura lamang ang bayad.

Ayon sa National Statistical Coordination Board, isa sa anim na batang dapat pumapasok sa iskwelahan ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral.

Ngayon, dapat din nating isaalang-alang na ang bata ay nasa ilalim lamang ng pangangalaga ng magulang hanggang wala pa siyang 18 years old. Sa Pilipinas, kahit hindi mandatory na umalis ang bata sa poder ng magulang sa nasabing edad, pwede lamang siyang piliting mag-aral kung wala pa siyang 18 years old. At sa kaalaman ng lahat, arami talagang batang ayaw pumasok sa iskwelahan dahil gusto na nilang kumita ng pera – at persobal choice nila iyon. Hindi naman natin pwedeng igapos o ikadena ang anak natin para ihatid-sundo sa paaralan. Okay lang sana kung nag-iisang anak at mayroon kang sapat na salapi para tustusan ang kanyang pag-aaral na hindi mo na kailangang magtrabao, pero paano kung karaniwang mamamayan kang kumikita lamang ng sapat?

Okay, pwedeng kasuhan ang menor-de-edad na bata ng insubordination. Pero kailangan pa bang umabot sa pagkakaso dahil lamag sa school non-attendance?

Ang pagpapakulong at pagbibigay ng fine sa magulang ay applicable lamang sa mga mayayamang magulang o sa mga magulang na abusado at walang malasakit sa anak. Kung ia-apply ito sa mahihirap, lalo lamang hindi makapag-aaral ang bata. Paano kung kaya pala nagtatrabaho angf bata ay dahil gusto niyang makapasok sa iskwelahan dahil hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang? Paano kung nagtutulong lamang palang mag-iipon ang magulang at anak upang makabalik ang bata sa iskwelahan?

Sa totoo lang, ang mga magulang ng batang hindi makapag-aral o ayaw mag-aral ay kadalasang pro-school. Kung parurusahan pa natin sila, halos mabaliw na nga sila upang makagawa ng paraan upang pag-aralin ang kanilang anak, may sword of Damocles pang nagbabanta na kung hindi papasok ang bata, sila ang makukulong.

Pwede ang nasabing batas kung sisiyasating mabuti ng DSWD at DepEd ang sitwasyon, at depende sa sitwasyon kung parurusahan ang magulang – o baka ang bata ang dapat parusahan. nlvn