CAMP CRAME-ISANG paretirong pulis ang namatay nang dapuan ng coronavirus disease kaya sumampa na sa 68 ang nasasawi sa puwersa ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa record ng PNP Health Service, si Patient No. 68 ay 55-anyos na lalaki at may ranggong master sergeant na naka-detail sa Regional Health Service Unit sa Police Region 10.
Pumanaw ang huling COVID-19 victim cop noong Mayo 26.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief, Guillermo Eleazar sa mga naulila ni Patient No. 68.
Samantala, hanggang Hunyo 5, ay umabot na sa 24,691 ang buong kaso ng COVID-19 sa PNP makaraang maitala ang panibagong kaso na 203.
Sumampa naman sa 22,890 ang nakarekober nang maitala ang new recoveries na 104.
Patuloy namang ginagamot sa iba’t ibang pasilidad ang 1,733 na pulis. EUNICE CELARIO
Comments are closed.