PAREX MASA AT PUBLIKO ANG MAKIKINABANG

HINDI ang mayayaman lamang ang makikinabang sa Pasig River Expressway (PAREX), ang pinakabagong proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte,

Ito ang binigyang-diin ni Ramon S. Ang, presidente ng San Miguel Corporation, na siyang gagawa at gagastos para maisakatuparan ang PAREX, bilang reaksiyon sa sinasabi ng mga kritiko ng proyekto na mga pampribadong sasakyan lamang ang maaaring gumamit ng PAREX.

Ayon kay Ang, ang PAREX ay isang ‘hybrid’ o may iba’t ibang gamit na expressway na itatayo dahil sa matinding pagsisikip ng trapik sa Metro Manila.

Sa nakaraang dalawang taon — 2019-2020 — ay pumapangalawa ang Metro Manila sa may pinakamasamang lagay ng trapik sa 416 siyudad sa 57 bansa, ayon sa Annual Traffic Index na pagsusuri ng location technology firm na TomTom na naka-base sa Amsterdam.

Sa pamamagitan ng PAREX, na may habang mahigit 19 na kilometro, magkakaroon ng direktang ruta mula sa East at West ng Metro Manila, mula Maynila papuntang university belt, Plaza Azul; dadaan ng Mandaluyong, Makati, kasama na ang Rockwell, Edsa, Pioneer St., Bonifacio Global City, C-5, hanggang C-6 or South East Metro Manila Expressway.

Sa madaling salita, malaking porsiyento  ng mga sasakyan na karaniwang laman ng trapik sa mga lugar na ito ngayon ay mapupunta na sa PAREX  kung kaya luluwag ang mga pampublikong kalsada.

Kapag nabawasan na ang trapik sa mga pampublikong kalsada, bibilis ang biyahe, at maaaring bumaba ang gastos sa transportasyon dahil mababawasan din ang gastos sa krudo o gasolina lalo ng mga pampublikong sasakyan, o sasakyan na nag-aangkat ng mga produkto.

Mababawasan din ang polusyon na dulot ng ilang oras na pagtagal ng mga sasakyan sa kalsada.

Sinabi pa ni Ang na ang PAREX ay magkakaroon ng Bus Rapid Transit o BRT, na para sa masa at sa ordinaryong Pilipino.

Ang BRT ay isang uri ng pampublikong transportasyon kung saan ang mga bus ay tatakbo na parang mga tren sa ibabaw ng PAREX. May susunding oras o iskedyul ang pag-alis ng mga bus, at mayroong mga ruta na nakatakda. Ibig sabihin, mabilis, madali, at komportable ang biyahe.

At dahil dudugtong din ang PAREX sa Skyway 3, na magkakaroon din ng BRT, mas mapadadali ang biyahe sa buong Metro Manila, mapa-north, south, east, at west.

Bukod dito, ang PAREX ay mayroon ding dedicated bike lanes at pedestrian walkways. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng ligtas at libreng alternatibong paraan para pumunta sa iba’t ibang lugar.

9 thoughts on “PAREX MASA AT PUBLIKO ANG MAKIKINABANG”

  1. 488255 194026Attractive portion of content material. I basically stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get in fact loved account your weblog posts. Anyway I will likely be subscribing to your augment and even I success you get admission to constantly quickly. 636534

  2. Hiya! I know this is kinda off topic nevertheless I’d
    figured I’d ask. Would you be interested in exchanging links or maybe guest writing a blog article or vice-versa?
    My blog discusses a lot of the same subjects as yours and I feel we could greatly benefit from each other.
    If you might be interested feel free to send me an e-mail.
    I look forward to hearing from you! Terrific blog by the way!

  3. 239822 101374Wonderful post, I conceive weblog owners ought to acquire a great deal from this web weblog its real user pleasant. 3663

  4. 985235 655923Really very best people messages are meant to charm allow honor toward groom and bride. Newbie speakers in front of excessive locations should normally our own gold colored dominate in presenting and public speaking, which is to be personal interests home. finest man speach 210068

Comments are closed.