PARIS MASTERS: NADAL SA Q’FINALS

Rafael Nadal

DINISPATSA ni Rafael Nadal si Australian Jordan Thompson sa straight sets upang umabante sa Paris Masters quarterfinals noong Huwebes.

Naiposte ni top seed Nadal ang 6-1, 7-6 (7/3) panalo laban kay Thompson upang maisaayos ang last-eight clash kay fellow Spaniard Pablo Carreno Busta.

Na-miss ni world number 61 Thompson ang set point upang maipuwersa ang decider sa kanyang unang duelo sa 20-time Grand Slam champion.

“He started to serve well. I missed a couple of returns I shouldn’t have,” wika ni Nadal. “It was close. I suffered until the end but I found a way to win the tie-break.”

Si Nadal, kinuha ang kanyang 1,000th career victory nang gapiin si Feliciano Lopez noong Miyerkoles, ay nagtatangka sa kanyang unang Paris indoors triumph na magtatabla sa kanya kay Novak Djokovic sa record 36 Masters titles.

Nauna rito, magaan na nagwagi si sixth seed Diego Schwartzman kontra Spanish qualifier Alejandro Davidovich Fokina, 6-1 6-1, at ngayon ay isang panalo na lamang ang kailangan para magkuwalipika sa season-ending ATP Finals sa unang pagkakataon sa kanyang career.

Tangan ni world number nine Schwartzman ang huling automatic qualification spot para sa  season finale sa London’s O2 Arena sa Nov. 15-22.

Susunod na makakaharap ng Argentine si Daniil Medvedev ng Russia, na namayani kay Australia’s Alex de Minaur, 5-7 6-2 6-2, sa loob lamang ng wala pang dalawang oras. i

I watched his match and Diego played really well,” wika ni Medvedev patungkol kay Schwartzman, na tumapos na runner-up sa tatlong ATP tournaments ngayong season.

“I think he made five unforced errors and was returning a lot of balls in the court. He served pretty well and it will be a really tough match, because he has been on fire this year.”

Comments are closed.