PARIS OLYMPICS HULING TENNIS TOURNAMENT NA NI MURRAY

MAGIGING huli na ang pagsabak ni Andy Murray sa Paris Olympics.

Ginawa ng three-time Grand Slam champion, na tinamaan ng injuries sa huling bahagi ng kanyang 19-year career, ang anunsiyo sa social media nitong Martes.

“Arrived in Paris for my last ever tennis tournament,” sabi ni Murray, 37.

 “Competing for Team (Great Britain) have been by far the most memorable weeks of my career and I’m extremely proud to get to do it one final time!”

Ang anunsiyo ay inaasahan na. Makaraang sumailalim sa back procedure, si Murray ay umatras sa Wimbledon singles competition at naglaro sa doubles kasama ang kanyang kapatid na si Jamie. Ang mga Murray ay nasibak sa first round.

Si Murray ay nagwagi ng dalawang Wimbledon singles titles, U.S. Open at dalawang Olympic gold medals — 2012 at 2016 — sa gitna ng matinding kumpetisyon mula kina Roger Federer, Rafael Nadal at Novak Djokovic.

May mahaba siyang run sa World No. 1 mula November 2016 hanggang Agosto ng sumunod na taon. Nagretiro siya sa ATP Tour na may 46 career wins at $64.7 million na earnings.

Malalaman ni Murray ang kanyang first-round opponent sa Huwebes, kapag idinaos ang Olympic draw. Nakatakda rin siyang maglaro ng doubles katambal si Dan Evans.