PARIS OLYMPICS: SARNO SIBAK AGAD MATAPOS ANG NO-LIFT SA SNATCH

MAAGANG nasibak si weightlifter Vanessa Sarno sa 2024 Paris Olympics noong Sabado.

Si Sarno ay sumalang sa kanyang debut sa Summer Games sa women’s 71kg event at sumubok na bumuhat ng 100kg para sa snatch, ngunit hindi niya ito nagawa sa tatlong attempts upang magtala ng DNF (Did Not Finish).

Ito rin ang tumapos sa kampanya ng Philippine weightlifting sa Olympics matapos ang DNF ni John Ceniza sa men’s 61kg event, at ang 6th place-finish ni Elreen Ando sa women’s 59kg event.

Ang bawat lifter ay binibigyan ng tatlong attempts sa bawar isa sa dalawang rounds. Ang first round ay ang snatch at ang ikalawa ay ang clean and jerk. Dahil nabigo si Sarno na makabuhat sa tatlong attempts sa snatch, hindi na siyang maaaring bumuhat sa clean and jerk.

Ang Pilipinas ay may 2 golds mula kay gymnast Carlos Yulo at 2 bronze medals mula kina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas. Sina golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina na lamang ang nananatili sa kumpetisyon para sa bansa.