LAGUNA – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Cavite) at Bacoor City Drug Enforcement Unit (DEU) ang nakatalagang Parish Priest kabilang ang isa pa sa kanyang kasamahan sa itinuturo umanong drug den sa Tagumpay Comp., Tabing Dagat, Brgy. Alima, lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ni PSupt. Vicente Cabatingan, hepe ng pulisya kay Calabarzon PNP Director PCSupt. Edward Carranza, nakilala ang naarestong drug suspek na si Dr. Richard Alcantara y Olivario, OSB, His Excellency, Titular Bishop of Bacoor, Cavite, alyas Ricky; kasamahan nitong si Perlito Alibay y Bindo alyas Perling; habang isa pa sa mga ito na si Fernando Dacuma alyas Nanding ang mabilis na nakatakas.
Sa imbestigasyon, bandang alas-5:00 ng hapon ng magkasa ng buy bust operation si Cabatingan at kanyang mga tauhan sa lugar habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer.
Nabatid kay Cabatingan na aktong gumagamit pa ang mga suspek ng droga nang magsagawa ang mga ito ng pagsalakay kasunod ang isinagawang pag-aresto sa mga ito.
Sinabi pa ni Cabatingan na ilang araw umano silang nagsagawa ng Surveillance Operation sa lugar batay sa nakalap nilang impormasyon kaugnay ng pagtutulak at paggamit ng mga suspek ng droga.
Bukod aniya rito ay kabilang pa sa drugs watchlist ang mga naarestong suspek.
Narekober ng pulisya sa mga suspek ang umaabot sa 0.5 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P3,400 pisong kabilang ang maraming drug paraphaernalias kung saan kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa Bacoor City PNP Lock Up Cell na kapwa nahaharap sa paglabag sa kasong Section 26 in Relation to Section 5,12, and 15, Art II of RA-9165. DICK GARAY
Comments are closed.