INAASAHANG magiging handa na si Sacramento Kings forward Jabari Parker para sa muling pagsisimula ng NBA season sa kabila na nagpositibo siya sa COVID-19.
“Several days ago I tested positive for COVID-19 and immediately self-isolated in Chicago which is where I remain. I am progressing in my recovery and feeling well. I look forward to joining my teammates in Orlando as we return to the court for the resumption of the NBA season,” pahayag ng 25-anyos na player sa isang statement.
Si Parker ay nasa kanyang ika-5 koponan sa nakalipas na tatlong seasons. Sa kaagahan ng season, sumalang siya sa 32 games para sa Atlanta Hawks, at may average na 15 points at 6 rebounds.
Ipinamigay ng Hawks sina Parker at center Alex Len sa Kings noong Feb. 6 kapalit ni center Dewayne Dedmon at ng dalawang second-round draft picks. Si Parker ay sumalang sa isang laro lamang para sa kanyang bagong koponan, at tumapos na may 4 points at 4 rebounds laban sa Grizzlies noong Feb. 20.
Ang Kings ay kabilang sa anim
na NBA teams na kasalukuyang nasa labas ng playoff position na makakasama ng 16 na kasalukuyang nasa postseason positions sa pagpapatuloy ng liga sa Hulyo malapit sa Orlando, Florida.
Samantala, nagpositibo rin si Indiana Pacers point guard Malcolm Brogdon sa coronavirus, ayon sa ulat ng Indianapolis Star.
Si Brogdon, 27, ay aktibo sa racial at social justice efforts magmula nang ang coronavirus pandemic ay magresulta sa work stoppage noong March 11. Si Brogdon ay na-injure at hindi naglalaro nang suspendihin ang season dahil sa coronavirus.
Dinala si Brogdon sa Pacers mula sa Milwaukee Bucks bago ang season at may average na 16.3 points, 7.1 assists at 4.7 rebounds per game.
Comments are closed.