PARKING SPACE NG MALLS

Atty Ariel Inton-4

HANDANG makipag-usap si Quezon City traffic czar Atty. Ariel Inton sa mga mall operator kaugnay sa lumulubhang trapik sa lungsod.

Ayon kay Inton, pinuno ng QC Task Force for Transport and Traffic Management, nais niyang makipagpulong upang matugunan ang problema sa trapik, partikular ang mga nakabalandrang pribadong sasakyan sa mga residential area na walang saril-ing garahe sa kanilang mga tahanan na malapit sa malls.

Aniya, kanyang imumungkahi na payagan ng mall operators  na magamit bilang parking ang mga carpark ng mga dambuhalang mall sa lungsod.

Nakikita ni Inton na isa sa maaaring maging solusyon sa mga nakabalandrang sasakyan sa mga residential area na malapit sa malls ang paggamit ng parking spaces pagkatapos ng mall hours hanggang alas-7 ng umaga.

Maaari aniyang payagan ang mga may-ari ng sasakyan at magkaroon ng overnight pay sa malls upang hindi na maiparada kung saan-saang kalsada ang private cars na walang sariling parking sa tabi ng kanilang tahanan.

Ang QC ang itinuturing na may pinakama­raming shopping malls sa Metro Manila. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.