PARKMALL: CEBU’S FIRST COMMUNITY MALL

PARKMALL

(Ni CRIS GALIT)

NAKATUTUWANG isipin na marami na sa ating mga negos­yante na inuuna ang kapakanan ng mamamayan  na magkaroon ng maayos na pasyalan at nakapagbibigay rin ng tamang lugar para maisaayos ang pagne-negosyo ng mga maliliit o nagsisimulang negosyante.

Ang tinutukoy po natin ay ang Parkmall na matatagpuan sa Mandaue City, Cebu. Bukod sa pagiging “First Community Mall” dahil talaga namang dagsa ang mga tao rito para mamas­yal, mag-shopping, mabusog sa masasarap na kainan, at higit sa lahat, mag-zumba ng libre araw-araw!

ZUMBA-2Speaking of zumba, halos araw-araw ay mayroong zumba session sa harap ng Parkmall na may mahigit sa 300 zumba dancers ang humahataw na walang binabayaran sa pamunuan ng mall.

“This is designed to be the community center of the area kaya ang Parkmall ngayon ay ang park na may mall,” masayang kuwento sa PILIPINO Mirror ni Yael Sacris-Torrejos, Mall Manager.

“Here naman in Parkmall, we affirmed, especially last year, that we are a community mall. We can’t really compete the big bucks mall like SM and Ayala kaya nga nu’ng nag-10th year kami, nagpalabas kami ng “false cover” na parang “Proudly not number 1,” dagdag na pahayag ni Ramon Matthew Reyes-Basabe.

Maihahalintulad ang konsepto ng mall na ito sa pinagsamang Greenhills-Divisoria dahil sa mga murang bilihin.

Ang kaibahan lang, mas malaking bahagi ng Parkmall ang pagbibigay importansya na maging pasyalan o park ito. Mayroon din silang inilaan na Public Utility Vehicle Terminal sa mga pa­ngunahing destinasyon sa Cebu.

Sa Plaza Bazaar ng Parkmall, dito ka maka­bibili ng mga murang produkto – mula sa pang-OOTD tulad ng sapatos, damit, shorts, pants, skirts, relo at kung ano-ano pa – puwede ka pang makatawad depende sa iyong diskarte.

BAZAARMaayos ang di­senyo at malinis ang Plaza Bazaar. Sa gitnang bahagi nito, mayroong paminsan-minsang schedule ng mga “blind massage” na maaari mong gawin para ma-relax matapos mag-shopping.

Big discounts at sobrang affordable din ang mga bilihin sa Big K Kaking Shopping Center na katumbas ng department store sa ibang mall na magkahalong imported at local na produkto ang mabibili.

Maituturing din na kauna-unahang “pet-loving mall” ang Parkmall. Sa katunayan, sampung taon na rin nilang ipinagdiriwang ang fashion show ng pets.

Malaki rin ang pagpapahalaga ng Parkmall sa kalikasan dahil mayroon silang Eco Bazaar campaign na layong ituro ang kahal-agahan ng recycling at upcycling at para mai-promote ang “zero-waste lifestyle”.

MADE IN CEBU: A JUMPSTART OF NEW ENTREPRENEURS

Bahagi ng kampanya ng Parkmall na “Made in Cebu” ay para mabigyan ng tamang lugar ang local delicacies at products na makikita lamang sa Cebu.

“Part of our advocacy is to be the platform of the local brands that’s why we have a jumpstart or a platform for new entrepre-neurs. Made in Cebu campaign in August to highlight municipalities’ delicacies, they gathered here into a big bazaar,” ayon kay Yael.

Sa kanilang Tatak Sugbo Exhibit, dito ipa­kikita ang local products ng mga Cebuano mula sa native crafts, delicacy, souvenirs at mga pang-export na gawang Cebu.

“We also encou­rage our tenants who are made in Cebu to celebrate it with us. So we have like al fresco fiesta, or ALFIESTA to enjoy comfortable and relaxing alfresco di­ning that offer discounts and promos to local and foreign guests,” sabi ni Yael na excited sa kanilang mga proyekto.

Ang Parkmall din ang maituturing na “incubator for new business ideas” dahil nakapagbibigay sila ng maraming leasing option na swak sa pa­ngangailangan ng isang negosyante.

Sa kanila na mismo nanggaling: “Whether you’re an experienced business owner or someone’s who is just starting out, we’re here to build your business succeed. Let Parkmall be your partner in growing your business and enjoy our perso­nalized attention.”

Comments are closed.