PARKS AYAW NGA BA KAY COACH CHOT?

on the spot- pilipino mirror

HINDI nga ba gusto ni Ray Parks, Jr. si coach Chot Reyes na siyang dahilan kung kaya ayaw na niyang maglaro sa kampo ng TNT Tropang Giga?

Mukhang may hidwaan ang dalawa kaya ayaw bumalik ni Parks sa TNT. Hindi kataka-taka kung bakit marami itong rason tulad ng nasa tate siya. At kailangan niyang personal na alagaan ang kanyang inang may sakit. Ang player pala ay nasa San Juan, La Union,  Pangasinan lang at  nagliliwaliw.

Ang nakakaloka pa kay Parks ay ang paghingi niya ng kontrata na nagkakahalagang P1M kada buwan. Iibig sabihin nito ay ayaw na niya talaga sa Tropang Giga. Malinaw ba, boss Manny V. Pangilinan?

Over si Parks.



Muling kumilos ang Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling, sa pakikipagtulungan ng mga operatiba mula sa Station Intelligence Branch ng Caloocan Police, laban sa illegal bookies na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na personnel ng ‘Bookies Karera’ nitong Sabado sa Caloocan City.

Ayon kay GAB-AIG Chief Glenn Pe,  kaagad na humingi ng ayuda ang ahensiya sa SIB, sa pamumuno ni PMaj Rengie Deimos, matapos makatanggap ng impormasyon hingil sa illegal bookies na matatagpuan sa Mabini St., Barangay 5 sa Caloocan City.

Matapos makumpirma, kaagad  sumalakay ang grupo ng naturang illegal OTB at naaktuhan ang mga personnel na nangangasiwa sa ‘Bookies Karera’ na kinabibilangan nina Lovely Gonzales, 30;  George Tayam, 35; Arnold Caneda, 45; Arvin Cruz, 37;  Armando David, 65;  Joemer Mula, 44;  Mark Raymund Dadula,31;   Melvin Orenda, 31;  at Henry Arsenio, 43.

Nakuha sa mga suspect ang mga taya at iba’t ibang paraphernalia tulad ng TV monitor, programa ng karera, radio at digi box.

“Nagpapasalamat po ang GAB sa ating mga concerned citizen na walang takot na nagpapadala sa amin ng mga impormasyon hingil sa mga ‘Bookies Karera’ sa kanilang mga komunidad. Ang kanila pong tulong ay malaking ambag sa tagumpay ng pamahalaan na masawata ang ganitong mga gawain,” pahayag ni Pe.

Pinaalalahanan ni Pe ang publiko na iwasan na makilahok sa anumang uri ng ilegal na pamamaraan sa karera, sabong at iba pang betting games. Aniya, malaking halaga ng buwis na napupunta sana sa pamahalaan para tustusan ang mga pangangailangan ng mamamayan ang nawawala.

Hindi rin naaayon sa ipinatutupad na health and safety protocols bunsod ng community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 ang pagtungo at pagtambay sa mga matataong lugar tulad ng ‘Bookies Karera’. Sa kasalukuyan, may mga mobile apps na magagamit at saklaw ng pamunuan ng GAB, gayundin ng mga lehitimong karerahan sa bansa.

Comments are closed.